Chapter 17 : Nyt.

3.9K 143 0
                                    

Andito ako ngayon sa cafeteria with bianca and gray. Foodtrip lang kami. hehe ^^ kwineto ko din sa kanila yung convey namin ni aero last week, Yung thru phone. Ayun tawa ng tawa yung dalawa. San ko daw nakuha yung mga kakornihan ko. tss!

Gusto ko sana sabihing nag-google pa ko para sa pick-up lines na yun. tapos sasabihin nilang korny. Pch.

" Ayos te! mukang effective ata yung oh-so-called-panliligaw mo dyan kay byrx ah. " - bianx habang nakain ng burger.

Nga pala ako lang ang natawag ng Aero sa kanya. Karamihan kasi bryx ang tawag sa kanya.

" Kayo na ba bakla? " - gray bakla habang nainom ng juice.

" Di pa pero I think malapit na. haha Ramdam ko na eh. bwahahaha" - ako . Myghad. iniisip ko pa lang na magiging kami E kenekeleg na ko. hihi

" Sowsss! Ang landi mo! Tamo mag-brebreak din kayo nyan." - gray. hahaha " Ouch! " - sabay hawak sa batok nya. haha binatukan kasi ni bianca.

" Ang bitter mo bakla. Wala pa ngang sila, Pinapanalangin mo na kaagad mag-break. Palibhasa walang lovelife." - bianx

" Nakow! baklang bianca wag mo kong etchosen. Bakit ikaw may lovelife ka. " - gray sabay tawa ng malakas

At ayan nagbangayan na sila. hahaha ' Hinahanap nyo ba si Aero ko?

Wala ditey, Nasa library magbabasa daw. Ayaw sumabay mag-lunch kasi busog pa daw sya. haha O'diba. May improvement samin, Nakakausap ko na kasi sya ng matino at eto pa nagpapakita na din sya sakin ng ibang expresyon nya. Like pag naiirita sya. Makikita mo na yun sa mukha nya, Pero syempre pag kaming dalawa lang. Sa ibang tao kasi ganon pa din sya, Pokerface ba?! Siguro nasanay na lang sya sa prisensya kong laging nakasunod at nang-aasar sa kanya kaya hindi nya napapansin na naglalabas na pala sya ng ibang emosyon pag ako ang kasama nya.

Hindi na ako sumama sa kanya sa library kasi allergic ako sa libro, Kaya pass muna ko sa pangungulit ko sa kanya. haha

" Hi kai! " - Ano ba naman 'tong si brandon parang kabute. Bigla bigla na lang nasulpot eh.

" Oh. " - yun lang sinagot ko. Sya naman biglang umupo sa tabi ko at tinanguan na lang nya si bianca at gray.

Pero teka, What happen to bianca girl. Bakit parang namumula syang parang kamatis ngayon.? hmmp.

" Hey bianca bakit namumula ka ? May sakit ka ba ? " - Brandon. Oh napansin nya din pala.

" A-ah w-wala-wala" - Utal na sagot ng bruha.

Woooaaahh !!! I smell something malansa here. bwahahaha

Mukang gusto na din lumablayp ni bianca bestfriend ah. hihi Ayowws yan!!! haha

" Susss! kinilig lang yan, Nakita na nya kasi yung crush nya eh." - bulong ni gray pero hindi nakaligtas sa pandinig ko yun at sa tingin ko ganun din si bianca. " Ouch !! " Yan. Nabatukan ka tuloy.

" hahaha. Bitter ka kasi bakla. " - ako. Hindi ko na napigilan tumawa. Nung tinignan ko naman si brandon E parang hindi naman nya nage-gets yung pinag-uusapan namin. hehe

Magpaka-Cupid kaya ako noh? Gusto ko tulungan si bianca bestfriend at brandon. haha

Hindi ako manhid na tao Kaya alam kong yung pagiging clingy sakin ni brandon ay may ibig sabihin. Alam kong may gusto sya sakin at ramdam ko yun, Kaya habang maaga pa ako na ang gagawa ng paraan para mawala sa akin yung feelings nya. Ayokong masaktan sya sa huli kaya sa lalong madaling panahon E kakausapin ko na sya tungkol dun.

Si aero lang ang gusto ko. Ewan ko lang sya. Pero gagawin ko ang lahat para makuha ko ng buo ang loob nya. Katulad ng sinabi ko kanina hindi ako manhid kaya alam ko din na wala talagang gusto sakin si aero. Sinakyan ko lang yung convo namin nila bianx at gray kasi once na malaman nila na wala kong napapala E sila na din ang gagawa ng paraan para tumigil ako sa kalokohan ko.

Pero syempre hindi ako papayag. Yung panliligaw ko lang kaya kay aero ang nagpapasaya sakin.

*****

Lumipas ang mahabang araw. Nandito na ko ngayon sa kama ko nakahiga.

Nagsent ako ng last msg. ko kay aero ngayong araw na ' to. Hmmp? Lagi ko pala 'to ginagawa. Every night ako ng gu-Goodnight sa kanya.

AKO: GoodNight Aero ko. <3 mua.mua :*

Nasanay ako na lagi syang wala reply, Pero iba ngayon kasi nagreply sya.

SYA: Nyt.

Simpleng ganyan lang nya pero natutuwa na ako. Sana naman sabihin nya agad sakin kung ayaw nya talaga, Wag nya kong paasahin ng matagal para naman makaahon pa ko sa pagkahulog ko sa kanya habang mabawbaw pa lang. Pero sa ngayon gagawin ko muna kung saan ako masaya. Di ko muna sya susukuan.

--------------------

Sana ayos lang yung UD ko. Enjoy reading sa mga nagbabasa. thank you. :) Merry Christmas po :)

VOTE&COMMENT

- JiRo

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now