Chapter 54: Promises meant to be broken

4.8K 149 56
                                    


Hindi lahat ng pangako natutupad. Yung iba hanggang salita na lang at mananatiling salita.

Kaya may mga taong mas gusto ang gawa kesa sa salita.

Pero hindi naman masamang mangako lalo na kung alam mong gagaan ang loob ng taong paglalaanan mo ng salitang yun.

" Maganda pa naman ako diba kuya? " I asked kuya na naghihiwa ng mansanas sa lamesa.

lumingon sya at ngumiti sakin. " Yes baby! Kayong dalawa lang ni mom ang maganda sa paningin ko. " Hihi That's why I love my brother. Very honest.

" Bakit kasi ayaw mo pang mag girlfriend ha lex? Bading ka ba? " haha.

"Hey watch your word lady! mas matanda pa din ako sayo. " Yeah whatever. Mas matanda ng ilang minutes. Haha

Alam ko naman'g hindi sya bading. Masyado kasi syang seryoso sa paghihiwa ng apple na kala mo ito ang pinaka-interesanteng bagay sa mundo.

" Seryoso mo kasi. Haha " Sabi ko habang tinitignan ko ang ibat-ibang anggulo ng mukha ko sa maliit na salamin.

Lumapit sya sakin at nag buntong hininga.

" Tigilan mo nga ang kakatingin mo sa salamin. Maganda ka kai, hindi magbabago yon. " Ngumiti ako at binaba ang salamin at tumingin sa kanya.

" Hindi ko mapigilan kuya. Naninibago siguro ako. Haha " Ngumiti sya ng tipid at bumalik sa interesanteng ginagawa nya.

Dalawang taon.

Sa dalawang taon ang lumipas eto ako ngayon, Buhay pero mahina. Kalbo na din ako dahil sa chemo theraphy na tine-take ko.

Pero hindi hadlang yun para sumuko ako. Minsan nga gusto kong matulog na lang ng walang gisingan nang sa ganon hindi ko maramdaman ang sakit pag nawala ako.

Kaso pag gusto kong matulog nang mahimbing nandyan yung maririnig ko silang nagpapanic at umiiyak kasi hindi na daw ako gumagalaw at malalim na ang bawat paghinga ko.

Mas pinipilit kong lumaban kahit na feeling ko wala na akong ilalaban pa, pero dahil nandyan pa ang mga mahal ko sa buhay kahit mahirap na gumising sakin tuwing umaga ay pinipilit kong gumising ng sa gayon sa simpleng bagay na yun ay mabigyan ko sila ng pag asa at hindi sila mag alala para sakin.

Kung titignan ako ngayon malayong-malayo na ako sa kaimer lexie dati. Sobrang payat at putla ko na. Ang buong kama ko ay natatakluban na nang plastik na hindi ko alam ang tawag. Sabi nang doctor para daw sa bacteria yan. Para hindi sila makalapit sakin kasi sa kalagayan ko ngayon mabilis na akong dapuan ng kung ano-anong mikrobyo kaya may parang kulambo na ang paligid ng kama ko, yun nga lang gawa ito sa matibay na plastik.

Si kuya ang bantay ko ngayon kasi pinauwi ko na sila mama para makapaghinga sila ng ayos.

" Bexi!!! " napalingon ako sa bagong pasok at kinawayan ko sila.

My bestfriends with their partners.

One month left at may mga kaibigan na akong magiging chef someday. Ilan taon na lang ang lilipas at sigurado akong may sarili-sariling restaurant na ang mga ito.

Nakakainggit man pero I'm very glad to their achieve in life. Hindi man nila ako kasama sa pag akyat ng stage, nasisiguro ko naman na isa ako sa mga taong proud na proud sa kanila.

" How are you bexi? " well. That's gray. Bading pa din pero girlfriend nya si britney. Ang gulo lang. Pero wag na tayo mangialam. Basta masaya ako na nakikita ko silang magkasama.

" I'm fine " sabay ngiti ko at sulyap kay bespreng bianx na nakangiti sakin ng sagad.

" You bespreng how are you? Ilang days ko din kayong hindi nakita? " I asked her.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon