Chapter 28 : Give up

4.1K 182 15
                                    

Hindi ko alam kung ilang araw na ba simula nung nagkasabay kami ni aero sa pag pasok.

Kala ko din nung time na yun ok na kami. Well totoo naman na ok kami, Mas naging mas close pa nga kami eh. Mahaba na din ang nagiging conversation namin.

Kaso nung dumating nanaman si celine. Nabaliwala nanaman ako. Di nya nanaman makita ang effort ko para sa kanya. Lagi na lang syang nakatingin kay celine. Puro na lang celine.

Ang sakit ng ganto. Gustong gusto kong magreklamo sa kanya na nasasaktan ako kaso wala naman akong karapatan kasi in the first place anong karapatan kong magreklamo kung hindi naman kami. Kabuang!

Kahit magkatabi kami ni aero minsan na lang din kami mag daldalan kasi nga nasa classroom kami at nagka-klase. Namimiss ko na sya.

" Bye babe ~ See you later " 

" Bye babe "

" PUTSPA!!! " D*mn it


Naglalakad ako ngayon magisa pauwi. Galing akong simbahan. Night mass ang pinili ko kasi hindi ako nakasama kila mama kanina kasi gumawa ako ng project kaya ngayon lang ako nakapag simba. Every sunday and wednesday may misa dito samin.

Para akong lasing habang naglalakad. May mga nabubunggo na din ako pero wala kong balak mag sorry sa kanila.

" Hala! " - Napatingin ako sa langit. Nilahad ko pa ang kamay ko para mas madama ko yung patak ng ulan na unti unting pumapatak at lumalakas.

" Pati langit nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Thank you huh. " - Siguro kung may makakita sakin pag kakamalan akong baliw sa kakakausap ko sa sarili ko.

Di ko na nga ginawang sumilong pa. Para san pa, kung basang basa lang din naman ako.

Huminto ako sa paglalakad at sumandal sa poste. Nakaramdam ako ng lamig kaya niyakap ko ang sarili ko ng mabawasan naman kahit papaano.


" Bye Babe ~ See you later "

" Bye Babe "

. . .

" Bye Babe ~ See you later "

" Bye Babe "


Ayan kanina yung narinig ko bago ako umuwi.  Yayayain ko sana sya na sabay kami kaso. . .May katawagan sya. Kahit hindi ko alam kung sino yung nasa kabilang linya. . . Alam kong si Celine yun


" B--babes? . . . Kelan pa ? Kelan pa naging kayo ? " - Syet! I know its weird that I'm talking to myself. Pero di ko mapigilan.

Ang sakit. Nangingilid na yung luha ko. Di ko mapigilan. Buti na lang naulan walang makakapansin na umiiyak ako.

Sana sinabi nya nalang saken para di na ako umasa. Pang ilan na ba 'to ? Di ko alam?!

" I hate you ... I really hate you... Pinaasa mo ko sa wala. Ang bad mo... " - iyak ko dito sa tabing kalsada habang nag-aantay ng masasakyan pauwi samin.


" KAI!!! " - Natigilan ako nang narinig ko ang boses nya. Pagtingin ko sa gawing kaliwa ko, nakita kong nakahinto ang kotse nya sa gilid.

Paano nya nalaman na nandito ako?

" What are you doing? " - Sigaw nya nang makalapit sya saken habang hawak ang dalawang braso ko. Kita ko sa mukha nya na galit sya pero mas nangingibabaw yung pag-aalala.

" N--naligo. Walang payong e. " - mahina kong sabi at nagawa ko pa syang ngitian.


" Nasisiraan ka na ba? Magkakasakit ka nanaman nyan. " - Magkasalubong ang kilay nyang nakatingin sakin.


" Umalis ka na. Naghihintay na si celine sayo. " - Di ko na pinansin ang tanong nya. Nakakainis! Gusto ko na syang umalis sa harapan ko kasi lalo lang akong nasasaktan pag nakikita ko yung paasa nyang mukha.

" Uuwi na tayo " - seryosong sabi nya at sinimulan na akong hilain palapit sa kotse nya.


" Ayoko " - pero hinila nya pa din ako. " Pwede ba? Mauna kana. Mag-aantay na lang ako ng taxi. " - Sigaw ko di ko na mapigilan eh.


Pero ayaw nya pa din bitawan ang kamay ko. Lalo pang humigpit ang kapit nya. Err! Di ba sya nakakaintindi ng AYOKO?!

Humarap sya saken ng nakakunot ang noo. Kaya nakipagtitigan din ako sa kanya. I can sense his really in a bad mood.

" Bakit pa may kotse naman ako??! " - sya

" Baka magselos Babes mo. Si Celine. " - sabi ko ng nakayuko at mahinang tono.

At dahil dun binitawan nya ko. Lalo akong napaiyak. Buti na lang umuulan ngayon at hindi nya nakikita ang mga luha ko na sya ang may gawa.


" You really love her huh? " - I asked him ng walang pag-aalinlangan.


Silence means Yes.


Ok!

Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.


Alam mo yung feeling na sa pagtalikod mo umaasa kang may kamay na hahawak sayo para pigilan ka sa pag-alis mo? Ang sakit. Ngayon alam ko na, Na wala talaga akong halaga sa kanya. Ang tanga ko kasi. Kainis.

Binagalan ko lang ang lakad ko. Umaasa na pigilan nya. Masokista na kung masokista. Pero wala! Wala ng pag-asa.


May gusto lang akong marinig bago ko sya tuluyang bitawan. Gusto ko sa kanya talaga nanggaling. Sa mismong bibig nya.


" Aero isang tanong, isang sagot.

. . .

Kayo na ba ? "


Umaasa ako sa sagot nyang hindi at sabihin nya lang na kakabata lang ang turing nya dun.

Pero sadyang iba ang iniisip ko sa sagot nya.

" Oo " - mahinang sabi nya.

Napalabi na lang ako. My tears are starting to fall. Actually kanina pa. Pero feeling ko mas madami ngayon.

Wala na. Wala na talaga.

  " Pero kai -- "


" K-kung g-ganon a-aero " - I tried to keep my voice normal. Ayokong malaman nya na umiiyak ako.


Ipinakita ko sa kanya ang matamis na ngiti ko ^__________^

bago ko bitawan ang tatlong salita na sigurado akong magpapaguho ng mundo ko.


" I give up. "


Starting today, Wala na kong tatawaging ' Aero ko '  Hindi na ako mangungulit kay aero, At wala ng manliligaw kay aero, Na nag-ngangalang Kai.


******************************

Lame ba ? Comment naman po, Di ko alam kung pwede na yan para sa broken hearted scene kaya kaylangan ko ng comment nyo. Pls po!

Kahit wag na vote, Kahit comment na lang.


jiro

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now