Chapter 45 : Something weird

3.4K 112 3
                                    


This is it! Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa classroom namin.

* Door open *

Kusang napataas ang kilay ko nung pag pasok ko. Nasa bungad palang ako hanggang sa maglakad ako papunta sa tabi ni aero ko Eh nakamasid sila sakin.

Weird!

  Pero siguro naramdaman nilang may mali. Kasi dati lagi kaming sabay pumasok ni aero pero not this time.

Sinulyapan ko yung katabi ko pag kaupo ko. Us usual naka pokerface ang tuod.

" Good Morning! " - bati ko sa kanya. Gusto kong pagaanin ang atmosphere saming dalawa. Katulad nga ng sabi ko ayokong maakusahan ng bitter kaya as much as possible gusto kong back to normal na ulit kami, Yun nga lang hindi ko sya kukulitin katulad ng ginagawa ko dati.

Tinignan nya lang ako at walang nakuhang sagot mula sa kanya. Knowing aero, ganyan talaga sya. Ngumiti lang ako ng bahagya tsaka ko kinuha ang notebook ko para mag takenote sa first subject namin.

Hindi ako makapaniwala sa reaksyon ng mga magulang ko kagabi nung sinabi ko sa kanilang wala na kami ni aero ko. Lakas ng mga trip ng mga yun tinawanan lang ako. Kaya imbes na maiyak ako habang nagku-kwento sa kanila ng buong nangyari eh hindi ko nagawa bagkus nabwiset lang ako sa kanila. Supportive ever. Tawa sila ng tawa, Isama mo pa si kuya lex na kulang nalang eh gumulong sa sahig kakatawa. At talagang dun pa sila natawa nung lumuhod ako sa harapan ng tatay ni aero. Langya lang!

Hindi ako nakikinig sa professor namin pero sa kanya nakatingin yung mata ko. Kagat-kagat ko pa yung dulo ng ballpen ko. Boring naman. Magdo-doodles sana ako sa notebook ko ng mapansin ko yung desk ng upuan kong may sulat ng 'Im Sorry' kumunot ang noo ko yet i feel my heart beat past. Was what that? I asked my self. Ayokong mag assume pero kami ang first batch na nagamit ng room na 'to. Wala akong alam kung sinong nagsulat nito kasi wala naman ako kahapon. Basta ang alam ko lang, nung huling pasok ko dito wala pa 'to.

Napabaling ako sa katabi ko na seryosong nakikinig sa prof. Namiss ko tuloy sya. Dati-rati lagi nya kong sinasaway na makinig daw ako at wag puro titig at kulitin sya. Miss ko na ang aero ko.

Sya kaya ang nagsulat nito? Tinignan ko ulit Hindi naman ganito ang penmanship nya eh kaya malabong sya. Siguro napag-tripan lang 'to ng ibang nakaupo dito. Tsaka bakit naman sya mag so-sorry diba?! Haay! Ewan.

" We have quiz " ha? Napalingon ako sa kanya pero di sya lumingon sakin kaya nilibot ko na lang yung paligid at tama nga sya may quiz nga. For sure wala akong matinong isasagot dito, hindi naman ako nakinig eh.

" Ok thanks " - sabi ko na lang at kumuha ng papel. Pero ang totoo keme lang 'to. Hindi ako magsasagot. For sure naman kasi na mapapahiya lang ako next meeting namin kasi bokya ako.

Nakakamiss talaga si aero ko bukod sa snob at masungit na boyfriend sya maasahan din sya sa ganitong bagay. Lagi nya akong pinapakopya, masama man pero ginagawa nya yun. Minsan nga sya na talaga nagsasagot ng papel ko at sya na din magpapasa sa prof.

" Okay class! Pass your papers. " - dali-dali naman nagsipag-pasahan yung mga classmate ko pero ako tinago ko lang 'tong papel ko at nag ayos na ng gamit. Naramdaman ko din na tumingin sakin si aero ko pero di ko na sya pinansin.

Palabas na ako ng room ng namataan ko nakatitig sakin ang bestfriends ko. Isama mo na din si brandon. Tinaasan ko lang sila ng kilay at binati. Ayoko munang mag kwento sa kanila. Nadala na ako kakatawa ng pamilya ko kagabi baka pati sila pag tawanan din ako, Edi kotang-kota na ko non.

" Hi mga bespreng! " - pinasaya ko pa ang tinig ko. Pero iba si brandon. Napailing lang sya sakin. Lakas talaga ng pakiramdam nito.

" May LQ ang lovers ah! " - sinigaw pa ni bakla kaya siniko ko sya. Gago eh. Napalingon tuloy samin ang papalabas na si aero ko pero umalis din agad. Haay!

" Shut up gray! " - madiing bulong ko at pinanlakihan pa sya ng mata. Nag taas sya ng dalawang kamay na kala mo nasuko na at nag act pa na zinipper ang mouth nya. Good. Pahamak talaga to minsan.

" What happen? " -  bianca said. Knowing my bestfriends, likas talaga kaming mga tsismosa kaya wag na magtaka kung matanong sila ng magtanong. Pero sad to say wala akong balak mag kwento kasi uwing-uwi na ako. I want to rest.

" I don't want to talk about me and him bianx maybe some other time. " - matabang kong sabi. Napatango na lang si bianx at gray. Tsaka ako napadako ng tingin kay brandon na seryoso din nakatingin sakin. Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko is yung bag ni bianx na nakasabit sa balikat nya. Srsly? Sila na ba? Ganon ba ako ka busy sa lovelife ko at pati mga bff ko eh hindi ko na napag tutuunan ng pansin. Poor me. Huli na ako sa balita. " Ikaw ang may dapat ikwento sakin bianx " - kinindatan ko pa sya. Sabay dako ng mata ko sa bag nyang na kay brandon. Namula sya sa sinabi ko at umiwas naman ng tingin si brandon. Gotcha! May something na yung dalawa. Well tsaka ko na sila uusisain pag ayos na yung sarili kong problema.

" Oh pano guys! Got to go. Haha bonding nextime a'ryt? Pero wag muna ngayon, Please bear with me this time. " - pabiro kong sabi. Next time na lang ako magsasaya. Naalala ko kasing tinext ako ni gray na over night daw kami sa kanila.

" Yeah! Yeah! Right. Babush girl. Fix your problem. Ang chaka mo kasi pag namomoblema. " - nag rolled eyes pa bago bumeso sakin. Ngumiti lang si bianx at nakipag beso din. Tumango lang ako kay brandon at he did the same with his smile.

***

Gusto kong mag muni-muni kaya naglakad ako pauwi kahit medyo malayo kung lalakarin. Katulad ng sabi ko dati safe dito kaya ok lang maglakad. Tumigil ako sa tindahan ng mga barbeque. Namiss ko kumain ng ganito. Kaya naman napasarap yung kain ko. Pero nasa kalagitnaan na ako ng paglamon nung may maramdaman akong nakatingin sakin kaya binaba ko muna yung ulo ng manok na kinakain ko at tumingin sa paligid. Wala naman. Pero weird, pakiramdam ko talaga may nakatingin sakin.

Malapit na ako sa gate ng subdivision ng huminto ako at tumingin sa likuran ko. Wala naman pero bakit pakiramdam ko may nasunod sakin. Kanina ko pa sya nararamdaman nung nasa barbeque-han pa ko tapos hanggang ngayon feeling ko may nakasunod pa din sakin. Pero sa twing lilingon naman ako, wala naman. Hay! Napaparanoid na ba ako dahil sa zero lovelife na ako? Eh.. anong bang kinalaman non. I'm going to be insane. Haay!

Pinagpatuloy ko na lang yung lakad ko at hindi na pinansin kung sino o ano man yung nararamdaman kong nakamasid at nasunod sakin. Weird eh?

****************

Add me on fb : Jiro WP
Thanksss!

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now