3

11 3 1
                                    

Isang linggo na mula noong ihatid ako ni Joax sa bahay! Hindi sa sakayan! Sa gate talaga namin! NG BAHAY NAMIN!!!!

Isang linggo na rin akong dinadramahan nung lalaki behind Kairon! Lagi na lang tuwing gigising ako may chat sa'kin.

Axle!!!!

Makikita ko na naman sya!!!

Patay na patay, amp. Hopeless case na yun.

BIyernes ngayon at half day lang ang pasok namin. May gagawin kasi kaming survey para sa research namin. Binigyan na rin kami ng excuse letter mula sa principal's office.

Naka-assign ako Regular Class ng grade 10 at grade 8, tapos Science Class na grade 9. At malas pa dahil si Joax ang nakabunot sa'kin! S'ya ang partner ko. Kapag partner kasi s'ya, lahat ng babae 'di nakikinig, sa kanya lang nakatingin.

Dala dala n'ya lahat ng mga survey forms sa isang kamay at sa kabila naman yung phone n'ya. Multitasking pa ata dahil kanina pa s'ya nagta-type.

Inuna namin yung Grade 8 na Regular Class sila ang pinakamalapit sa research lab.

"Good afternoon" pagbati ko sa kanila noong buksan ko ang pinto.

Bumati rin sila pabalik kaya pumasok na kami. Busy si Joax sa mga survey forms at sa pagbibilang sa mga respondents.

"I'm Alix Valencia and this is Mr. Joax De Frasco. We will conduct a survey and you will be our respondents, is it okay?" pagpapakilala ko.

"Today, you'll be answering such simple question and we hope that you'll be truly honest with your answers. Cause this can have a great impact in you, us and even the world" dagdag ni Joax.

He even distributed the papers while speaking. Napairap na lang ako ng makarinig ng mahihinang tili mula sa mga babae.

Nang matapos ang lahat sumagot nagpasalamat pa kami sa kanila, pero hindi kami nag-usap ni Joax! Hindi n'ya ako kinakausap!

Nang makarating sa Grade 9, malas pa na Science Class ang natapat sa'min! Andun ang babae nito ni Joax.

"Good Afternoon" pormal na bati ko. "I'm Allistaire Salixins Valeriano Valencia, you can call me 'Alix'. And this is Joaquin Erasmus De Frasco, you can call him 'Joax'." pagpapakilala ko.

I'm not supposed to do that but it will really help me get their attention.

"Valencia? So kayo po yung kapatid ni Kuya Calix?" tanong ng isang babae. Told yah.

"Calix Alendraine?" tanong ko kahit obvious naman na oo ang sagot! S'ya lang naman kapatid ko. "Yeah, he is my brother"

"May girlfriend po ba s'ya?"

What the hell?!

"I don't think unnecessary question such as that can be asked while we're about to explain our study, can we proceed?" seryosong sabi ni Joax.

Inexplain ko naman ang gagawin kahit alam kong alam na nila. Maayos namang natapos yun at merong ilan na bago ibalik ang questionnaire ay tinatanong pa ako about kay Kuya.

Well, his in the other campus. Saint John Prodigy Institution. An exclusive school for boys, pero for senior high school lang. Andun ang matatalino, as in salang sala ang may utak doon. Yung sa girls kasi, Saint John Institute, well, kapag nakasampa sa line of 9 ang average ko automatic pasok ako doon, lalo na mula ako sa science class. Mapili lang sila sa lalaki dahil mahirap ang mga loads at practices na binibigay. Para na rin silang nagtatrabaho.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang