21

8 2 24
                                    

Nang makarating kami sa school, parang may something sa'kin ang nalungkot. I could have enjoyed my last year of stay here now. I wanna graduate in this prestigious school. Kaya lang wala eh, laging may downfalls sa buhay.

"Doon ka lagi nag-iingay nung Grade 7 pa lang tayo" ani Joax nakaturo pa sa benches malapit sa canteen. "Binubulabog mo ang ibang klase at halos wala namang nagreklamo dahil kahit sila natatawa sa'yo"

"Nagalitan ako nun 'no"

"Oo" tumatawang sabi n'ya. "Nagalitan ka kasi ang liit mong tao, pang benteng tao ang lakas ng boses mo"

"Eh doon" turo ko sa bench malapit sa MAPEH building na kasunod lang ng canteen. "Diyan kita halos pukpokin ng tambo dahil sa katarantaduhan mo, buti pinigilan ako ni Chris"

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sinadya naming sa kabilang side dumaan para naman masulit ang punta ko rito.

"Dito" aniya tumatalon pa sa harap ng bench sa tabi ng exclusive room namin dati. "Dito ka nagpapicture sa lalaking may jowa pala" aniya tawang tawa.

"Nagselos ka kaya noon" ako naman ang tumawa dahil natahimik siya. "Tinanong pa nga kita kung okay lang 'di ka naman sumagot 'yun pala nagseselos ka na"

"Nagpapicture rin naman sa'kin yung jowa nung lalaki, patas lang"

"Pero hindi ako nagselos n'un"

Nagpatuloy ako sa kakatawa hanggang sa makarating kami sa room ni Teody. Nasa labas s'ya at inaayos ang motor na may special access yata rito sa campus!

"Huy! Trespassing ka. Bakit ka nandito?" rinig kong sabi n'ya kaya napalingon ako. "Snow White, anong ginagawa mo ritong La Futa ka?"

"Naglalakad Sir, 'di ba obvious?" tanong ko.

"Labas. Wala ka namang matinong gagawin dito, maghahasik ka lang ng lagim at dilim"

"Sir, bago ako makasimula natapos mo na." pagbibiro ko.

"Ang itim mo!" komento n'ya na tinawanan ko lang.

"Hiyang hiya, Sir. Ang puti mo"

"Talaga." natigil siya nang makita si Joax sa tabi ko. "Sinama mo talaga itong patpatin mong jowa ha."

"Hindi ko jowa yan Sir, iyo na. Bet mo?"

"Pweh!" ayan na naman ang iconic bugang laway niya. Kadiri, salaula talaga 'yan si Sir. "May klase ka sa'kin kanina ha? Ba't 'di ka pumasok?"

"Kasi Sir---"

"Escape!" pagputol sa kanya ni Sir.

"Sinundo ako,  Sir. Kakausapin ako ni Miss Yulo. Kailangan daw ako ng school nyo." idiniin ko pa ang huling pangungusap.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now