25

5 2 10
                                    

"Good morning, Attorney!" bati ni Kuya.

"Mm, good morning." bati ko rin.

I'm now a successful Lawyer. After 8 years...

"What's for breakfast?"

"I cooked fried rice, egg, and bacon" sagot ko, habang tutok pa rin ang paningin sa laptop.

"Aren't you busy? Bakit nagluto ka pa?"

"If I won't, who will?" taas kilay na tanong ko.

"Bibisita na ba tayo kay Mommy?"

"I'm busy, I have a case" sagot ko. Pero ang totoo, hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya at hindi ko ata makakaya.

"Okay, kailan ka free?"

"I said I have a case." I said in a monologue.

"What about?"

"Harrassment"

Natahimik s'ya nang magsimula s'yang kumain. Ako naman, pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

"Alis na ako" paalam n'ya sa'kin.

Tinanguan ko na lang s'ya. Minutes later, naligo ako at nagbihis.

I went to a hospital for a check up. Kailangan nang ipacheck ang mata ko dahil hindi ko na naman kayang magtagal sa screen kahit may suot kong salamin.

Hindi ko alam kung mapagkakamalan akong Attorney o isang estudyante sa suot kong romper.

"Excuse, is Dra. Schulze here?" tanong ko sa front desk.

"She's in the operating room, Ma'am. Do you have an appointment?"

"Not with her. Magpapasama lang sana ako sa Doctor ko."

"Is that so? Sino pong Doctor, Ma'am?"

"Dra. Garcia"

"Who is she ma'am?"

Kanina pa nakikipagchikahan ngayon pa lang magtatanong. Bobo!

"Atty. Valencia"

Tumango s'ya saka may kinausap sa telepono. Ako naman ay umupo na sa waiting area. Nagulat ako nang may tumakbong batang babae sa hallway at nadapa sa harap ko.

Tinulungan ko s'yang makatayo pero hindi sya tumitigil sa pag-iyak.

"Hey baby, stop crying" pag-amo ko sa batang nasa three or four years old na siguro.

Bahagya s'yang tumigil kaya nginitian ko s'ya at inupo sa lap ko. Pinunasan ko ang luha n'ya saka inayos ang buhok n'ya.

"What's your name?" tanong ko sa bata.

"Kai" sagot ng bata.

Agad akong natigilan. That's a nightmare.

Flashback...

(Three days after I was released from the hospital)

Pinaikot ni Aimee ang bote na nasa gitna naming lahat. Naglalaro kami ng spin the bottle habang nasa bahay nina Joax.

Kamalas-malasang sa'kin tumapat ang lintik na nguso ng boteng 'yun!

"Ako ma-dare, ako!" sigaw ni Vin.

"Jupal! H'wag ka. Panget mo magdare" sabi ni Jill.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now