22

8 2 14
                                    

Lunch break na pero halos ulan na lang ang maririnig.

"Sabi naman kasi sa'yo Teodoro, tigilan mo na 'yang kambing effect mo eh, ang ulan tuloy" paninisi pa rin ni Jill kay Thea.

"Ang kapal mo Hilario, ik---"

"Beh, ikaw ang makapal, sa braso mo pa lang wala na akong laban"

Hinayaan ko silang mag-asaran doon. Wala na rin naman ako sa mood dahil mula kagabi hanggang ngayon ay walang paramdam ang bwisit kong jowa!

Pumurol sana utak mo kung may iniisip kang iba!

"Huy! Alix! May naghahanap sa'yo!" sigaw ni Yza.

Lumingon ako sa gawi ng pinto at halos malaglag ang panga ko sa nakita.

Si Schy!

Nanlaki ang mata ko ng kompleto silang tatlo!

Halos takbuhin ko sila at isa isang niyakap! Grabe nasurprise talaga ako!

"Anong ginagawa niyo rito?" lunch break naman kaya pinapasok ko muna sila sa loob.

Sa sahig kami kanya kanyang umupo.

"Familiar ang hoodie mo ah" ani Frey. Nagbaba ako ng tingin sa hoodie ko at ngumiti na lang.

"Mga bakla arivah!" tawag ko sa mga bakla.

"Yes mamshie? Anong kagaguhan ang maipaglilingkod namin sa'yo?" ani Aimee.

"Schy, Frey, Gail, si Aimee. Aimee, mga kaibigan ko" pakilala ko.

Sumunod na lumapit ang tatlong bakla at nagpost pa sa harapan namin.

Tumayo ako at animong may hawak na mic na lumapit sa kanila.

"I'm Jillian Jerez, 18. Naniniwala na sa aming tatlo, ako lang ang maganda!"

"Hilario sa harap ng tatay n'ya" dagdag na pakilala ko.

"Bastos ang bunganga!" komento n'ya bago mataray na umupo sa tabi ni Aimee, sa sahig din.

"I'm Nicky" nahihiya kunwareng pakilala nito. "I'm virgin, ehe"

Sinabunutan ko s'ya. "Ulol! Sa dinami-dami ng kasinungalingang pwedeng sabihin 'yung 'di pa kapanipaniwala ha, Nicolas? Doon ka nga"

Sina Schy naman ay tumatawa lang.

"I'm Thea Eleven, ang pinakacute sa aming lima. Oh puta, umangal mapipisa" panghahamon pa nya. Nagtawanan na lang kami. Teodoro Labing-isa, yun talaga ang name n'ya.

Kunting kwentuhan pa saka nagpaalam na sina Schy dahil may pasok pa raw. Tuwang tuwa naman yung mga bakla dahil may bagong nakilala na pwede daw tumulong sa pag-aaral nila.

Nagpatuloy ang klase at pahinto hinto na ang ulan. Parang may bagyo na ewan. Nawalan pa nga ng kuryente eh.

Tapos na ang huling class pero hindi kami makalabas. Nasa hallway kasi nagsisiksikan ang mga estudyante dahil malapit ang classroom namin sa hagdan. Andun sila sa labas at naghihintay tumila ang ulan na wala naman atang balak huminto. Nasa loob lang tuloy kami kasama pa rin ang adviser namin. Room naman n'ya 'to eh.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now