23

12 1 9
                                    

Tanghali na ako nang magising. Magulo ang buhok na lumabas ako sa sala nina Schy para lang hanapin s'ya.

"Oh ayan na pala" ani Tita.

"Ang alin Tita?" inaantok na tanong ko.

"Ayan na kanina ka pa hinihintay ni Joaquin. Aba'y 6:30 na, Alex"

"Excuse naman ako Tita" palusot ko saka napatingin sa likuran ko.

Nakita ko si Joax na nakangiti sa'kin. Ang nangyare kahapon ay binaon ko na lang sa limot. Panay tukso ang narinig ko pero hinayaan ko na lang. Wala na rin naman akong magagawa, nakakagulat lang na sinabi n'ya talaga 'yun sa harap nila! Pero nangyare naman kasi talaga, ano pang magagawa ko?

Pumasok ulit ako sa kwarto at nagbihis. Naka-civillian naman si Joax kaya sinuot ko yung kinuha naming damit kahapon. Denim buttoned straight skirt partnered with a white off-shoulder cropped top. Tapos white na rin na sneakers ang suot ko.

Nung lumabas ako nagulat pa akong wala ng jacket si Joax. Nakasuot siya ng puting T-shirt and pants. Langya! Nagmuka kaming couple!

"Tara na, baka may meeting pa" aya ko.

Dumiretso ako sa labas at nakita yung kotse niya.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa. Tara na." aya ko.

Pumasok na ako sa kotse at kakamot kamot siya sa batok na sumunod.

"Kumusta pala jowa mo?" tanong niya.

Nasa byahe na kami at mahabang katahimikan ang binasag niya.

"Ayun. Galit. Ewan ko ba?! Stress na rin ako. Mula noong isang araw galit sa'kin. Hindi ba pwedeng intindihin niyong mga lalaki na boyfriend namin kayo pero hindi niyo kami pwedeng pagbawalan sumama sa kaibigan namin! May buhay din kami 'no!"

"Eh baka naman kasi hindi mo pinaliwanag nang maayos sa kanya" malumanay niyang sabi.

"Ay wow. Yung sabihin pa lang na kasama namin kaibigan namin dapat gets niyo na. Sabi ko, mamaya lang, wait lang"

"Baka naman kasi pinaghintay mo hanggang anong oras"

"Kaya nga wait lang eh. Anong silbi ng wait kung hindi maghihintay ha?"

Bakit ba nakikipag-away ako sa kanya?! Eh hindi rin naman maririnig ng boyfriend ko ang side ko kahit na sabihin ko pa kay Joax!

"Baka naman puro ka kaibigan, tapos miss ka niya kasi minsan na lang kayo mag-usap"

"Kung minsan kami mag-usap edi siyempre miss ko rin siya! Kaya lang, kaibigan ko yun eh! Kahit baliktarin ang mundo! Uunahin ko talaga yun! And he needs to understand that!"

"Ipa-prioritize mo over him? Your boyfriend?" gulat na tanong n'ya.

"Simple lang 'yun. Kung oras namin, walang pakialam ang kaibigan ko roon. Pero kapag oras namin ng kaibigan ko, hindi siya pwedeng makialam doon. Because they are my friends at hindi lang siya, na boyfriend ko ang bumubuo at nagpapaikot ng mundo ko" inis na paliwanag ko.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora