18

6 2 15
                                    

Nang umuwi ako sa bahay si Daddy agad ang sumalubong sa'kin. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano. Pero ibig sabihing andito siya, baka andito rin si Kuya.

Nang lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi niya isang malakas na sampal ang inabot ko. Napaupo ako sa sahig at bigla akong natakot ng tumayo siya.

"Saan ka galing kagabi? Wala kang paalam! Alam mo bang may pamilya kang nag-aalala dito? Wala ka talagang utak! Peste!" sunod sunod na singhal niya habang dinuduro ako.

Pamilya? Kung ganito mag-welcome ang isang pamilya ay naku! Magkaibigan na lang ang lahat ng tao sa mundo!

Grabe yung sampal, nawala ata hang over ko. Hawak ko lang ang pisngi kong namumula at nag-iinit na dahil sa lakas ng sampal. Isang himala na ni isang luha ay walang lumabas sa'kin. Pigil na pigil din ako sa pagsagot.

"Wala kang kwenta! Sino bang magulang mo ha?! Ang tanga tanga tanga mo!"

And that broke me. Wala talaga akong kwenta. I never had any value. Mas masaya talaga kapag nasa labas ako ng tahanan. Tahanang nakakapagod din naman tirahan.

Hinila ni Daddy ang damit ko pataas kaya nasama akong tumayo. Hirap na hirap pa akong makatayo mag-isa dahil sa bigat ng dibdib ko. Akmang sasampalin niya ulit ako pero hinila ako ni Kuya.

"Daddy!" pagpigil niya. "Sinabi ko naman sa'yo kung nasan s'ya diba? Schy told me she's with them. Dad, nagpaalam s'ya sa'kin sa chat. Sinabi ko na rin yun sa'yo. Wala kasi si Mommy dito kaya 'di s'ya nakapagpaalam. Besides she's been friends with them for years, mapagkakatiwalaan naman 'yung mga iyon." paliwanag ni Kuya. Pero gusto kong sabihing hindi ako nagpaalam. Ayaw ni Kuya ng sinungaling o kahit yung 'fact' ng pagsisinungaling. Whatever the reason is. Kaya gusto kong magsabi ng totoo, kasi once again...he's lying because of me.

Humarap sa'kin si Kuya at inalis ang kamay ko sa pisngi ko. Hinaplos niya 'yun na parang 'yun ang gamot at doon nag-umpisang tumulo ang luha ko. Sa tingin n'ya pa lang ay parang nacomfort na ako.

"Go to your room" utos n'ya sa'kin kaya dahan dahan akong umakyat sa hagdan. Hindi pa man ako nakakarating sa kwarto ko ay narinig ko na ang seryosong tono ni Kuya.

"Wag mo na siyang sasaktan." Gulat na gulat ako doon. Ni minsan ay hindi ko s'ya narinig na hindi respetuhin ang tatay namin. Lagi yung may Dad o kaya naman ay po, laging may respeto. Pero ngayon? Nakakatakot.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Pag labas ko ay nasa loob na ng kwarto ko si Kuya.

"Come here" aniya sa pinakaistriktong tono.

Natatakot akong lumapit sa kanya.

"Bakit hindi ka nagpaalam?" tanong n'ya.

Para akong lalamunin kahit ng tingin pa lang n'ya!

"K-kasi a-ano...yu-yung a...no" bulol na sabi ko mahahaba pa ang pagitan sa bawat pantig.

"Ayusin mo ang pagsasalita. Hindi ka three years old." striktong sabi n'ya.

"Alam ko kasing hindi ako papayagan" ani ko nang nakayuko.

"Papayagan kita. You know me, as long as it's with Schy, okay lang. Alix, magpapaalam ka sa susunod kahit sa'kin lang ha?" malambing na ang tono n'ya.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now