27

5 2 12
                                    

Eksaktong anim na araw. Anim na araw na mula noong magkita kami ni Joax. Papunta ako sa bahay nina Zander para sa anniversary dinner nila.

Isang red bodycon dress ang suot ko, black pump at red purse. Nagpahatid lang ako kay Aki papunta sa venue dahil kamalas-malasang sira ang kotse ko.

"Dito na ata" sabi n'ya.

"Malamang ayan 'yung mga ilaw oh, OA naman kung walang event sa loob niyan" singhal ko sa kanya.

"Amp-- sinasabi lang eh. Sinasaltik ka na naman. Samahan kaya kita para naman may kumontrol diyan sa sakit mo."

"Pupunta ka ng nakashorts? Tanga ka? Nakikita mo ba suot ko? Formal oh, formal." at ayan na naman kami sa pag-uusap na kala mo hindi kami mga abogado. Lagi kasi talagang mainit ang ulo ko, basta bigla na lang. Sakit ko na nga raw, diba?

Kumamot s'ya ng ulo at lumabas ng kotse. Pinagbuksan n'ya naman ako.

"Tumawag ka na lang kung magpapasundo ka na. Kung dito ka matutulog nasa likod 'yung damit mo, kunin ko ba?"

Hinawakan ko s'ya sa braso para pigilan. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Ayos lang. Kung hindi kita matawagan, try to call me. Baka lasing na ako eh. And pwede rin akong ihatid na lang ng mga kaibigan ko. Don't worry I'm in good hands the moment I step inside that house" tinuro ko pa ang pinto at doon ko nakita na nasa garden sila sa gilid ng bahay at nakatingin na sa'min.

"Ayusin mo ha. Malalagot na naman ako sa kapatid mong nagsha-sharinggan" sabi n'ya habang dinuduro pa ako.

Tinaasan ko s'ya ng kilay at awtomatikong binaba n'ya ang daliri n'ya.

"Joke lang hehe" ayan na naman s'ya at ang yakap n'ya.

"Sige na, nakatingin sila oh" agad s'yang bumitaw at hinintay ko s'ya hanggang makapasok s'ya sa kotse.

"Ay oo nga pala, oh" lumapit ako sa kanya at nakatalikod na ako sa mga kaibigan ko. Masiyadong malapit dahil nilalagay n'ya 'yung kwintas sa'kin. Tumagilid pa bahagya ang ulo ko dahil sa gilid n'ya nilolock.

"Yes. Thank you." masayang sabi ko.

"Sus, para kang bata. Kanina lang galit ka eh"

"Tumigil ka na sa kakaasar dahil baka ipakulong na kita" Lumayo ako sa kotse at hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.

"Alix!" sigaw ni Lyka, Dra. Garcia.

"Hi Doc."

"So paano 'yun? Mukhang nakahanap ka na ng boyfriend edi cross out na ang ointment?"

"Naku Doc ah. Masiyado kang ano"

"Sus, diyan pa talaga kayo sa tapat ng bahay naghalikan ha" singit ni Vin. "Eh ba't 'di na lang kayo nagsession d'yan sa harap?"

Napatingin ulit ako sa kaninang pwesto namin. Mukha bang naghalikan kami dahil sa posisyon na 'yun?

"Attorney tapos 'di alam yung batas sa PDA" dagdag ni Chris na umiling pa.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now