30

9 2 17
                                    

One sunny day,

Charot!
______________________________________

It's lunch time in the office, a month after namin magkausap ni Joax. Naging busy naman kami pareho kaya halos hindi kami magkita. But....

He makes time.

Kagaya ngayon.

"Hi, Attorney" bati n'ya pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto.

"Hi, good afternoon. How can I help you?" nakangiting bati ko.

"Wala naman, kailangan ba pag pupuntahan kita may kaso agad ako?"

"Well, abogado ako"

"So I need to commit crime para lang makasama ka, is that it?"

"Kung gusto mong makulong, why not?"

"Grabe, hindi mo man lang ba ako ipaglalaban? Ikaw ang dapat makulong."

"At bakit ako? Sa anong kaso aber?" taas kilay kong tanong.

"Murder"

"Ah? Excuse me? Ni minsan 'di pa ako nanampal, well, except nung high school kay Kurt, pero other than that wala na. Pumatay pa kaya?"

"You already did. Patay na patay na ako sa'yo eh"

Hindi ko alam ang dapat gawin. Ay maramdaman pala. I felt happy, napapangiti na lang ako sa sinabi n'ya pero napakataas talaga nung bakod na nilagay ko.

"Gusto mong malaman kaso mo?" tanong ko sa kanya.

"Sure" nakangiti pang sabi n'ya.

"Republic Ac---"

"Ay peste, hindi ko rin iyan maiintindihan. Ang sakit kaya sa ulo nang article ganon ganon ng attorney"

"Are you expecting something else?"

"N-no?"

HAHAHAHA, huli. No pala ah. Tapos nauutal ka. Ulol.

"So kung nagpick up line rin ako, what would you do?"

"Ayain ka maglunch"

"So meaning to say, you anticipated me to say a pick up line, like yours. Is that it?"

"No, hindi ko nga naisip 'yun. Pero masaya sana kung ganoon"

"Ano ba kita para magsabi ako ng ganoon?"

"'Wag ka ngang utak Attorney ngayon please. Sa mga tanong mo feeling ko nasa korte ako eh."

OA. Wala naman akong ginagawa eh. Parang tanga, nagtatanong lang naman ako ah.

"Edi maghanap ka ng embalsamador, para mafeel mong nasa langit ka na. Kakausap ka ng Attorney tapos gaganyan ka, siraulo mo"

"At isa pa ha!" dagdag ko pa. "Wala pa akong ginagawa sa'yo, nagtatanong lang kaya ako. And the fact that you feel uneasy with my questions means that you are lying. Admit it"

"Admit what?"

"'Wag mo 'kong gaguhin dahil matagal na akong ginago. Sagutin mo ang tanong ko, have you anticipated me to tell you a freaking pick up line and you get disappointed hearing me say a real case? Huh? Answer me."

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now