11

7 2 10
                                    

Lunes na naman, pero okay lang na late kami pumasok. Kaya eto ako, 7:30 na, nasa bahay pa.

Nagsisintas ako ng sapatos ng may tumawag sa'kin.

"Hello?" sagot ko habang ipit-ipit ng balikat ko ang phone.

"Ghurl, asan ka na? May pasok daw sa Filipino, sabi ni Leaño."

"Tangina naman ni Leaño, KJ!" sabi ko, nagmamadali na.

"Bilisan mo, baka malate ka. Anyway, wala pa rito si Joax, kasama mo?"

"Huh? Eh bakit naman 'yan ang katarantaduhang naisip mo ha?"

"Malay ko ba kung kayo na" Kumunot noo ko sa narinig,alam kong hindi iyon ang ibig sabihin niya. Gusto niya alamin kung kami na ba o kung may namamagitan ba.

"Gaga, umayos ka nga, baka magselos si Kairon"

"'Di ka naman nun gusto"

"Pasmado bunganga mo!"

"Sorry na ito lang po ako. Bilisan mo na nga! Baka sumabog si Leaño alam mo naman ito"

"Yeah right, isa 'yang matandang reglahin. Pustahan tayo, tigang yan!"

"Tangina mo, bilisan mo na!" sabi niya bago iend ang call.

Nagmadali naman akong bumaba at halos mahulog pa ako sa hagdan nung makita si Joax. Andito siya?! Anong ginagawa niyan dito?!

"Tita, andito na po siya. Alis na rin po kami" sabi niya kay Mommy. Ang imahe ko sa utak ko ay nakanganga na ako. Tita? Kami? Ha? Ano bang nangyayare?

"Osige, ingat kayo" sigaw ni Mommy mula sa kusina.

Sabay kaming naglakad papunta sa sakayan. Pero pareho kaming tahimik lang. Nasa sakayan na nang maisip kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

"Anong ginagawa mo sa bahay kanina?" tanong ko.

"Wala, susunduin ka. May deal tayo diba?"

"Sa pag-uwi lang 'yun, Erasmus"

"Gusto kong isama ang pagpasok, Salixins"

"Bakit mo naman gusto aber?" nakapamewang na tanong ko.

"Bawal ba?" tanong niya.

"Kung oo? Titigil ka?"

"Hindi. I'm quite territorial"

"Anong sabi mo?" tanong ko para malinawan. Tangina! Anong ibig sabihin ng territorial? Nabobo na ata ako.

"Sakay na, baka malate tayo" sabi niya habang nakatayo sa gilid ng tricycle.

Pumasok ako sa loob na gulong gulo pa din. Bakit pagdating sa kanya hindi ko maintindihan ang mga salita?

Kairon: papasok na ako lods

Ingat

Kairon: nasa school ka na ba?

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now