17

6 2 12
                                    

Nagising akong nakayakap kay Schy. How did I ended up in bed? Agad kong nilibot ng tingin ang kwarto at nakita ko ang mga kaibigan kong nganga pa rin. Nakadapa at magkaharap ang muka nina Frey at Gail tapos para naman kaming mag-jowang magkayakap ni Schy.

Pagkabangon ko agad kumirot ang ulo ko. Pikit ang isang matang tinungo ko ang banyo para maghilamos. What the fuck?!

"What did happen?... Teka 'did' ba ang tamang gamitin?" nakakunot ang noong tanong ko sa salamin sa harap ko. "Hindi naman ata does ang dapat diba? What does happen? What the fuck?! Saan napunta ang utak ko?" tanong ko pa rin sa repleksyon ko sa salamin.

Naramdaman ko ang gaan ng ulo ko. Normal ba 'to?

"Bakit ang gaan ng ulo ko? Nakatakas ba utak ko?" tanong ko muli sa salamin.

"Pero hindi pwede." sagot ko sa sarili umiiling pa. "Close minded ako. At isa pa, sana may biyak na ulo ko o kahit tahi man lang. Kaya hindi nakalabas utak ko." pangungumbinsi ko sa sarili.

"Baka nagdeflate lang... Teka. Nakakadeflate ba ng utak ang alak?" tanong ko ulit. "Pero hindi naman siguro hangin laman ng utak ko 'noe? Hindi naman siguro ma-deflate yun?" tanong ko muli sa sarili.

Naglakad ako ng ilang ulit paikot sa loob ng banyo. Pinagmamasdan ko ang lakad ko, bawat hakbang.

"Tuwid pa naman lakad ko, utak ko lang talaga hindi." nagkibit balikat na lang ako bago lumabas.

Hinanap ko na lang ang cellphone ko na hindi ko na alam kung saan napunta kagabi.

Nagtweet ako. What the fuck?!

Agad lumaki ang mata ko at naging aligaga sa paghahanap ng cellphone ko.

Tinawagan ko si Kai!

"Teka, anong sinabi ko dun?" kumakamot ng ulong tanong ko.

Hinilig ko sa balikat ang ulo ko, iniisip ang kabobohan ko kagabi.

Tinawagan ko siya...binabaan niya ako. Galit siya.

Napabuntong hininga ako sa alaalang pumasok sa utak ko.

Nang mahanap ko ang cellphone ko agad kong binuksan 'yun. At halos magulantang ako sa humungad sa'kin sa convo namin.

Love

Lasing jowa mo.
Kaibigan n'ya 'to.

Sana alagaan mo s'ya.

Sapat s'ya. Kayo lang yung
'di sapat para sa kanya

Pakiusap kung 'di mo s'ya
magawang iwan, please
lang alagaan mo naman.

You will never find
anyone like her.

Kung ikaw ang nasa posisyon

ko at nakita mo kung gaano

s'ya nasasaktan alam ko, masasaktan

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now