13

8 2 13
                                    

Lunes na at may dalawang subject na kaming itetest. Freaking shit! Kahit pwede kaming gumamit ng techniques nakakakaba pa rin! Pagpasok ko para akong nakakita ng matitinong estudyante. Tangina! Hindi Einstein 'to!

"Alix, you need to save me!" eksaheradang sigaw ni Kurt.

"Tangina mo! Asa ka masyado! Ako ba nagpapalamon sayo ha?!" eksaherada ring sigaw ko. 

Pero sinabi ko lang yun. Alam ko namang mamaya eh sasaluhin ko na naman score niya.

Einstein can ace every test, because we uses our brains not unless... Its an identification exam, that is always a risk doing our 'techniques'

Nahati kami sa dalawang batch. The other one is in the other building. The boys.

Una naming tinest ang Science, mahirap. A word to describe it? Putangina! Or we can use impyerno!Nahihirapan akong tandaan yung mga elements! Depungal! Akala ko solve solve lang ng formulas sa gravity at kung ano pa, yun pala may atom atom pa! Tangina mukang babagsak ako!

Luckily, after an hour may pahinga kaming isang oras.

May dala lang akong maliit na backpack na may lamang dalawang notebook at walang napaglagyan ng pagkain doon. Gutom na ako. Pero wala akong panahong pumunta pa sa canteen. Alam kong pahihirapan kami ni Leaño, bangungot namin yun eh.

Alix @allistairevv

gutom na ako, send utak and chocolates T_T

Joax @emeras

otw

kurt @kurtaf

send answer muna boss

Chris @alaklangsapatna

gago, si Joax umalis dito! sineryoso yung otw

Schy @skylhar

Replying to @emeras
ampota nagtweet lang ng ganito may otw na agad, @emeras how about me naman?

Frey @predator

Replying to @emeras
@emeras how about the friends po?

Gail @ashushu

mare, the canteen is so lapit uso magbuy para sa self

Natutuwa ako sa kanya kanyang comment nila. Tumatawa lang ako sa pagbabasa ng mga kagaguhan nila ng biglang may malakas na tiliang nangyare rito sa room. Tanginang mga ito! Siguro, may gwapo na naman!

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa pero hindi talaga mapigil ang tilian ng mga kaklase ko. Itinuon ko pa tuloy lalo ang atensyon ko sa mga reply nila. Stress reliever ko na rin siguro ito.

Nagulat na lang ako ng may milktea na inilapag sa desk ko. At sa paboritong flavor ko pa! Wintermelon!

Napaangat ako ng tingin sa naglapag noon. At si Joax nga! Tinotoo niya yung sinabi niya!

"Chocolates" sabi niya pagkalapag ng isang paper bag. "Milktea na lang ha? Bawal utak eh, di na kita maiisip kung ibibigay ko pa sa iyo ang meron ako" sabi niya bago tumalikod.

Lumabas na siya ng room at iniwan akong nakanganga roon! What did just happened?! Anong nangyare?! Gulat at hindi ko alam ang reaksyon na dapat meron ako. Hinawakan ko at chineck kung totoo ba ang pagkain sa harap ko. Inisip kong baka nananaginip ako.

Sinuri ko pa ang milktea at may nakalagay na note sa cup.

'good luck on your exam, I know you'll do great'

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now