31

19 0 22
                                    

Warning: mature content, read at your own risk.



Magkasama kami buong araw. Nakasandal kami sa lounge chair at magkahawak ng kamay.

May mga grupo ng lalaki sa dagat pero hindi ko naman pinapansin, nakatingin lang ako sa dulo.

"May kukunin lang ako" paalam ni Joax saka tumayo.

Napatingin ako sa singsing ko. Nilagay ko 'yun sa harapan ko na parang inaabot ang dulo ng dagat.

"Hi, Miss" ani ng lalaking lumapit.

Pero hindi ko siya sinagot at tumango lang ako.

"Sungit 'di naman maganda" sabi niya pa.

Aba eh tangina ka pala eh! Ikaw lumapit tapos gaganyanin mo ako?! Tingin mo sa'yo? Gwapo? Ulol!

"Eh hindi pala maganda, umalis ka sa harapan n'ya" seryosong sabi ni Joax saka umupo sa lounge chair sa tabi ng akin.

Tumalikod ang lalaki pero sumigaw pa ulit si Joax.

"Mata mo may katarata! Pagamot mo, kakaawa ka!"

Inis na lumingon ang lalaki at susugod sana kaso may apat na lalaking humarang sa kanya.

"No. No. No. No, pretty boy" nang-aasar na sabi ni Vin.

"Sino ba kayo?!" sigaw nung lalaki.

"Ayan, pakilala kasi kayo" nang-aasar na sabi ni Chris. "I'm Christian Lois Lopez, Journalist"

"Kurt Andric Flores, Model"

"Zander Timothy Garcia, Lieutenant"

"Carlito Benvienido Flodenciado, macho dancer"

"Gago mo naman! Ganda ng pakilala namin oh" binatukan pa siya ni Kurt.

"Bakit ba?! Baka akala mo 'di ako sikat! Sikat ako! Sikat ako sa Adonis"

"You know what? You're psychopaths" sabi nang lalaking parang ginumos ang muka.

"You know what? You're stupid" sabi ko.

"What?!" inis na tanong n'ya.

"Oh bakit hindi? Mukha kang tanga, ang tagalog ng Psychopaths siraulo. Mukha bang sira ang ulo ng mga lalaking iyan? Walang tahi oh!"

"Isa ka pang tanga! Ganda ng katawan mo wala ka namang utak" sigaw niya.

"Paano ako mabubuhay kung wala akong utak? Lahat may utak may case lang na kagaya ng sa'yo, walang laman, puro hangin"

Nagtawanan kami tapos bigla na lang siyang umalis.

"Ang ganda naman, Attorney" sabi ni Vin.

"Psh, ngayon mo lang nalaman? Tagal na kaya"

"Ayon, makapal nga lang mukha" pang-aasar ni Chris.

"Pakyu ka ah!" sigaw ko.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now