Matapos ang isang oras na break, nagsidatingan na sa room ang mga kaklase ko. At ang naabutan nila ay ang tawanan namin ni Schy. GAnoon naman parati, magagawa kong umiyak sa harapan niya pero masisiguro kong tatawa ako dahil siya ang kasama ko.

Joax gave me a glance, at hindi yun nakalagpas sa paningin ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Frey.

"Malamang, pinangakuan ko ba naman ng lalaki, paanong 'di sasaya yan?!" pang-aasar ni Schy.

"Seryoso na kasi, okay ka lang?" tanong ulit ni Frey.

Tumango ako. Alam kong hindi, kaya lang, kailan ba sumagot ng oo sa tanong na kung okay ka lang?

"Alam mo Alix, kung lalaki lang ang usapan. Moni na lang tayo" aya ni Vin.

"Oo, para 'di ka na payagan makapasok sa bahay" sagot ko sa kanya.

"Seryoso ako dito ha" biglang sabi ni Kurt. "Kung ako sayo, Alix. Ako na lang"

Agad kong kinuha ang notebook ni Gail na siyang una kong nakita, at ibinato ito sa kanya.

"Ulol, may taste ako sa lalaki. Ayoko ng Pikachu!"

"Ayoko rin naman sa Pokemon mo."

Nang-agaw ulit ako ng notebook at muling binato sa kanya.

Bastos ang king ina!

"Tama na yan. Magbihis na kayo, arat sa Kirby's mamaya" pag-aaya ng magaling naming Commander.

Kanya kanya silang bihisan pero hinubad ko na lang ang hoodie ko. Agad kong naramdam ang lamig matapos yun. Saka ko lang ulit naramdam ang sama ng pakiramdam. Gumising nga pala ako kaninang umaga na mabigat ang talukap ng mata, at mainit ang katawan.

"Kaliwa kaliwa kaliwa kanan kaliwa" paulit ulit kong naririnig mula kay Zander. Dahil na rin sa init ng araw hindi ko na alam kung nanlalabo ba ang mata ko o sadyang umaatake na naman ang mata ko.

Nang magkamali kami ng liko, pina-squat kami ni Zander. Bwisit na yun! Tangina! Mamaya yan sa'kin! Inis na inis ako at mas naiinis dahil sa pinapagawa niya.

"Zander" mahinang tawag ko.

He just mouthed, 'wait'.

No, hindi ko na kaya! I stood up without him saying! Sinamaan niya ako ng tingin but I'm no longer afraid of it.

"Alix!" mariing sabi n'ya.

"Zander..." muli kong sabi bago bumagsak.

Vin, Ponts, and Ate Dianne secured the crowd, I can hear them saying, 'layo'. Then, I saw Joax. He made me lay at his lap while Lay do things on my body. Ang tangining nakikita ko ngayon ay malabong pangyayare sa paligid, hindi rin buo. Pero nakita ko ang taranta sa mukha ni Joax. 

"Uwi na lang ako" sabi ko kapag kuan. 

"Fuck! Bat 'di mo sinabing masama ang pakiramdam mo?!" galit na sabi sa'kin ni Joax

As much as I want to answer, I can't. It was so hard. Malabo na ang nakikita ng mata ko at malalayo na rin ang agwat ng paghinga ko.

"Stretcher Vin bilis!" dinig ko.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now