19

7 2 24
                                    

Nahinto lang ako sa pag-aaral ng biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko.

"Chocolates" aniya tapos may nilapag na paper bag sa kama ko. Mabilis ko lang siyang tiningnan bago bumalik sa ginagawa.

"I'm going somewhere before I go back to ----"

"Where is this 'somewhere'?" pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Somewhere you must not know."

"Parang tanga Kuya! Saan nga?" pangungulit ko.

Bumuntong hininga siya bago magsalita, sign na napipilitan lang siya. "I'll be having a getaway, wanna come?"

"No. Pag kasama mo ako hindi yun getaway. Get stress yun. Lahat kasi poproblemahin mo, mula damit hanggang sa oras ko ng ganito at ganyan. H'wag na lang kasi mag-aaway lang tayo." sagot ko, nakatuon na ang atensyon sa libro.

"x²+nx"

"Oh shit Kuya! Cut it off! Science ang inaaral ko, wag kang epal. We both know I can deal with math like a piece of cake!"

"Just checking." tumatawang aniya. "Anyways, wala si Mommy at Daddy. Bukas pa ako aalis, sa isang araw pa naman sila babalik kaya naman. Kala Schy ka muna"

"What? Mapapalayo ako Kuya. Magsosolo na lang ako dito."

"No. May magsusundo sa'yo at maghahatid. Nakausap ko na si Joax sabi n---"

"Hold on, hold on. Tama ba 'yung narinig ko? Nang-abala ka ng ibang tao? Kuya naman!"

Ang gagong ito! Alam naman nya history namin ni Joax! Tapos 'yun pa ang pinakiusapan! Sa dinami-dami ng lalaki! Putangina!

"We talked okay? Ayos naman sa kanya"

Sa akin hindi! Paano magiging okay yun ha?! Kahit naman may past life akong pagiging malandi eh hindi ko naman nakakalimutang may boyfriend ako!

"Sa prodigy s'ya nag-aaral. Hectic ang schedule n'ya, Kuya"

"So kanino kita ibibilin? Kay Kurt? Baka ilaglag ka nun sa motor. Kay Chris? Laging late yun. Kay Vin? Baka mauna pa 'yun sa pagmanyak sayo kesa sa ibang tao"

Natawa ako sa sinabi n'yang huli. Pero hindi pa rin ayos sa'kin.

"Kuya naman, h'wag ka nang mang-abala ng iba, okay? Kaya ko naman."

"Allistaire Salixins!" dumagungdong na ang seryoso niyang boses. "Nagtagpo sched n'yo, okay? Wala s'yang class ng 6:30 masusundo ka n'ya kala Schy tapos wala rin s'yang class ng 5:30 masusundo at maihahatid ka n'ya pauwi."

"Paano kung bigla akong nagkaroon ng practice or something, paano ha?"

"Wag kang OA. Hindi ka n'ya susunduin habang buhay. Tatlong araw lang."

Bakit nga ba naisip ko yun? Bakit nga ba sa pagkakaintindi ko ay habang buhay na n'ya akong susunduin? Do I have feel--- erase erase erase. Putangina mo Alix! May boyfriend ka!

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now