24

9 2 17
                                    

Today is my birthday, October 8. My 18th.

Happy Legality Self!

And a disappointment. Walang gowns, walang.....sayaw.

Kalma, Alix. 'Di mo ikamamatay. 

Umuwi si Kuya nung isang araw para sa araw na 'to. Pero wala siya ngayon dito sa bahay. Umalis siya kanina lang.

"Ma, punta na po ako kala Schy" paalam ko.

Alas tres na ng hapon at may usapan kaming magkikita sa SJA gym. Nakasuot ako ng isang simpleng dress, total birthday ko naman. Sabi kasi nila, maghanda raw ako dahil lalasingin nila ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Daddy.

"Sa school po. May aasikasuhin po"

Masungit na tumango si Daddy. Si Mommy naman ngumiti lang sa'kin.

Nang lumabas ako ng gate nasa labas na si Kurt. Hindi na nila ako hinahayaan bumiyahe mag-isa. Kahit nga may pasok sila may nagka-cutting na isa sa kanila para lang masundo o mahatid ako. Galit na galit kasi talaga sila sa nangyare.

"Oh? Ready ka na?" tanong niya bago ako pagbuksan ng pinto.

"Bakit ikaw nagsundo? Baka maputikan ka Balenciaga pa naman sapatos mo." pang-aasar ko.

"Ikaw tigil-tigilan mo ako sa kaka-Balenciaga mo ha. Baka Nike suot ko ngayon"

Nag-drive siya papunta sa school at kung ano anong kabobohan ang sinabi niya sa'kin.

"Uminom nga kami eh. Tapos si Joax pabebe nung una. Ayaw daw niya, tapos si Gago, alas tres pumunta ng 7/11 kasi bitin daw"

"Paano 'di mabibitin eh halop kayo sa alak?!"

"Hayup na bunganga mo 'yan, umiinom lang 'di halop okay?"

Patuloy kaming nagbutugan hanggang sa makarating sa school.

"Tara?" sabi niya nilapit pa sa'kin ang braso. Humawak naman ako roon saka kami naglakad papasok.

Sa simula pa lang nang paglalakad namin halos maiyak na ako kasi may surprise na naghihintay para sa'kin. Huminto siya sa tapat ni Vin, at nagsayaw muna kami ni Kurt. Tapos si Vin naman ang kasama ko hanggang sa makarating kay Zander. Paulit-ulit lang. Isasayaw ako bago ipasa sa panibagong lalaki. Sunod si Chris. Hanggang sa si Joax na yung naghihintay sa'kin. Well, masasabi kong ang gwapo niya ngayon! Shet, parang gusto kong bumalik sa past life ko.

Si Joax ang kasama ko sa pinakamahabang paglalakad papunta sa gym. Kung saan naghihintay si Kuya.

Sa lahat ng lalaki, 'can I have this dance' yung parang sa na violin ang tugtog. Pero nung isayaw ako ni Joax, Can't help falling in love ang tugtog!

Sa gitna ako ng gym sinayaw ni Kuya, sa parehong tugtog gaya ng sa mga alagad ko.

"Happy Birthday" bati niya.

"Thanks Kuya"

"Liked the surprise?"

"Mm, Thank you"

"Joax, planned this." aniya bago ako paikutin.

Natapos ang kanta at sa pinaupo nila ako sa stage. Isa isang lumabas ang mga kaibigan kong may hawak na cupcake na tinutusukan ng kandila.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now