One week na ang nakalipas mula nang mangyare yun, pero sariwa pa rin sa'kin. Hindi ko nga alam kung anong dapat maramdaman. Bakit n'ya ba yun ginagawa? Bakit n'ya ba kasi 'yun ginawa?! Tangina rin kasi si De Frasco paminsan minsan.

Andito kami sa gym ngayon at sasabihin na daw ang pairings para sa ball kahit isa't kalahating buwan pa 'yun.

"Oh ghurls, dito kayo" tawag ni Madam Carmy.

Kanya kanya kaming tayo at punta sa tinuro n'yang pwesto.

"Alvarez and Vela. Padilla and Gregorio. Toledo and Lopez. Schulze and Dela Cruz. Valencia and De Frasco"

Lumaki ang mata ko dahil narinig ang apelyido ko. Partner ako ni Joax?! What a life?!

"The rest magmumula na sa SPA at regular class. May mga iba na pasado sana kaso nakiusap si Miss Yulo na wag ng isali. Ang iba daw kasi ay handle n'ya sa DSPC"

Lalaban din naman sa Division School Press Conference si Joax ah, bakit kasali pa rin s'ya?!

"Okay, ang practice n'yo ay every weekend. Pakiadjust na ang schedule n'yo. Half day lang sa Linggo pero Sabado laging whole day yan." sabi pa ni Madam Carmy.

Umalis kami ng gym na para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Godness!

"Ate Alix!" sigaw ulit ni Cess.

"Bakit?" tanong ko.

Lumapit s'ya sa'kin at todo ngiti pa rin.

"Kasali ka po sa cotillion?" tanong n'ya.

"Ah oo eh." sagot ko.

"Yes!" biglang sabi n'ya tapos patalon pang umalis.

Nakakunot ang noo kong nagpatuloy sa paglalakad dahil may class pa kami sa ESP. Hindi ko na rin mahanap yung tatlo at paniguradong andun na sila dahil nagkasagutan kami ni Gail kahapon.

"Anong sabi?" napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Joax sa tabi ko!

"Huh? Nino?" tanong ko.

"Nung babae. Anong sabi sa'yo?"

"Kung kasali daw sa cotillion, sabi ko oo"

"Dapat sinabi mong akin ka na." napatingin ako sa kanya. "Partner na kita. Baka ipilit ka pa dun sa Ethan" sabi n'ya tapos nagtatakbo papalapit sa mga kabarkada n'ya.

What did just happen again?!

Lutang na naman akong pumasok sa next class. Nakakaboring din doon kaya laging lumilipad ang utak ko sa kinikilos ni Joax. Lalo na't nasa unahan ko s'ya.

Kinuha ko ang phone ko at itinago sa pagitan ng libro. Nagkunware akong nagbabasa pero ang totoo nakaopen na ang RP account ko.

Kairon

Psst.

Bobo.

Pag ba yung lalaki
sinasabihan ka ng
sweet ano meaning?

Hindi ako nag-eexpect ng reply dahil class hours pa din naman. Pero nagulat ako ng biglang may tatlong tuldok na lumabas!

Kairon: depende

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now