26

5 2 3
                                    

"Oh we meet again"

"Ay taray, saan naman kayo nagkita?" tanong ni Frey.

"Sa ospital, nadapa kasi yung anak n'ya" sagot ko.

"HAHAHAH" malakas na tawa ni Schy. "Sino? Si Kaize?"

Tiningnan ko lang s'ya. Bakit? Hindi ba?

"Congrats dude, tatay ka na pala. Akalain mong nakaisa ka" sarkastikong sabi ni Schy sa kanya.

"Hey, Joax. Aren't you masaya to see us?" si Gail 'yan malamang.

"I am. May problema lang ako" Hindi s'ya makatingin sa'kin pero nasa harapan ko s'ya.

"Oh sakto! Tungkol saan ba 'yan? Baka matulungan ka ng Abogagong yan oh" tinuro pa ako ni Schy.

"May friend ako na may case eh" hiyang hiya pa s'ya.

"Uh. Ahmmm...what case?" sa tangang tanong ko. Bwisit!

"Stafa, fraud, I can't really explain it. Hindi ko alam yung mga terms" Tumango na lang ako.

"Do you need help? May Attorney ka na ba?" tanong ko pero nasa plato ang paningin.

"Atty. Toralba. Kaso busy s'ya, he turned down dahil may ibang kaso raw s'yang inaasikaso. And wala na akong ibang kilalang abogado"

"HAHAHA, you're so tanga! You kilala naman Alix diba? She's an abogado, dumbo!"

"May case rin ako eh. And if you want I can arrange you a meeting with Atty. Toralba" nakangiting sabi ko.

"Pero busy nga raw diba?! Ano yun may special card ka?!" ani Schy. Nginitian ko s'ya ng napakatamis.

"He is my Attorney" nakangiti pa ring sabi ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Atty. Toralba.

"Hey, Atty. Need help?" sabi n'ya pagkasagot ng tawag.

"I'm at Willson's Mall. Can you come here please?"

"Why?"

"Malalaman mo. Pakibilisan din pala, I'm shopping with my friends" sabi ko saka binaba na ang tawag.

"So ano 'yung my Attorney?" tanong ni Schy habang nakangiti ng malaki. Inirapan ko na lang s'ya.

Pinaupo nila si Joax sa tabi ni Frey. Ilang minuto lang, tapos na kaming kumain ng dumating si Atty. Toralba.

"Hey, Attorney. What do you need from me? 'Wag mong sabihing... pinapunta mo ako rito para magbitbit ng shopping bags. Sayang ang lisensya ko kung ganoon" 'yun ang bungad n'ya bago humalik sa pisngi ko at umupo pa sa tabi ko.

"Part of my plan. Isasabay mo 'yan sayo pabalik sa opisina. Padaan na lang sa office ko o kung gusto mo, sa bahay na" nakangiting sabi ko.

"Psh! Sino ba ako para humindi? So ano na nga? Anong kailangan mo at pinapunta mo ako rito kahit alam mong may tatlo akong kaso ngayon. At kakabigay mo pa lang din nung dalawa nung isang araw and the day before that?" nakataas ang kilay n'ya. Pero alam kong hihindi s'ya ay sa una lang. Magaling s'yang Abogado. Pero bukod sa nakakailang na makatrabaho si Joax ay mas mapapabuti ang kaso n'ya at may chance na manalo kung si Aki ang maghahawak. At isa pa, puro harassment ang kasong hawak ko ngayon. At hindi lang isa yun. Lima! Nasa hiring ang isa, negotiations dun sa dalawa, kumbaga between na lang sa dalawang kampo dahil 'yun ang napagkasunduan at ang natitirang dalawa ay kakafile pa lang.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now