Tiningnan kong mabuti sa salamin ang itsura ko. Nakasuot ako ng sando at pajama, at nasa baba si Joax! Kumuha lang ako ng towel para ipulupot sa katawan ko.

Pumunta daw dito dahil nag-aalala, damn him! Hindi ko na talaga s'ya maintindihan!

"Bakit?" tanong ko.

Tinaasan n'ya lang ako ng kilay.

"Anong ginawa n'ya sayo?" tanong n'ya.

"Nino?"

"Ni Ethan"

"Wala"

"Eh bat kasama ka n'ya? At bakit nadawit ang pangalan ko kahit nakauwi na ako?"

At dun pala s'ya concerned! Nadawit ang maganda n'yang pangalan sa issue! Jusku, kala ko naman kung ano!

"May sinabi lang sa'kin"

"Hinihintay mo ako? Nakauwi na ako, anong kagaguhan yun?"

"Kinausap nga ako. Natakot na baka 'di ako pumunta kaya ginamit yung pangalan mo. Ayun, okay na?!"

"Anong sinabi?"

"Bakit ba ang kulit mo?!" medyo napalakas nang sabi ko. nagsisimula na akong mainis sa mga tanong niya.

"Bakit 'di mo sinasagot?"

"Nak!" Sabay kaming napalingon ni Joax sa tumawag. Hindi ko tuloy nasagot si Joax dahil doon.

"Tita" bati ni Joax, tapos nilampasan ako at nag-bless kay mommy! Pinapasok s'ya sa bahay ni Mommy at masama ang loob kong nagpalit ng damit! Bumaba akong dala dala ko na yung notes ko. Nakita ko silang nagtatawanan ni Mommy kaya padabog akong umupo sa tapat nila at nagbasa.

"Nak, gamitin mo nga yung salamin mo, sasakit na naman yang mata mo nyan"

Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod. Umakyat pa tuloy ulit ako sa kwarto para kunin ang salamin ko. I was born with an eye infection. Hindi naman malala but I often feel eye irritation o kaya naman nagluluha na lang s'ya bigla.

Pagbaba ko naman ay saktong dating ni Kuya.

"Oh" bati n'ya sa lalaki.

"Kuya Calix"

Nag-usap na sila pero tinutok ko na lang ang sarili sa pagbabasa. Pumunta sa kusina si Mommy at sa kwarto n'ya naman si Kuya.

"So ano ngang sabi?" tanong n'ya habang pinakikialaman yung mga notebook ko na nilapag ko sa center table.

"May gusto daw" kaswal kong sagot.

"Ano daw gusto?"

"Ako?" sagot ko pero abala sa pagmememorize ng formula sa math.

Natahimik s'ya pero hindi ko na pinansin.

"Onyok, ML" pag-aaya sa kanya ni Kuya. Medyo close sila dahil kaklase din ni Kuya si Kuya Emmanuel na kapatid nyan ni Joax.

"G" sagot ni Joax, sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo. Kuya, ihatid mo na lang yan" sabi ko, nakafocus na ulit sa notes ko.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now