32

9 1 13
                                    

Nagising ako na nakayakap sa'kin si Joax. Dahan dahan akong bumangon para makakain na dahil alas siete na ng umaga!

Jusku po! Ang tagal ko naman natulog!

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa bewang ko pero kusa niyang inalis 'yun at sumandal sa headboard. Kitang kita ko pa 'yung pagtaas ng balikat n'ya at wala s'yang sound na tumatawa.

Anak ng! May ginawa lang kami nabaliw na s'ya!

Inirapan ko s'ya saka bumangon. Nang tatayo na ako agad akong natumba pabalik sa kama. Shet! Ang sakit!

May parang sugat na hindi ko maintindihan! Basta masakit sa banda roon!

Then I heard him chuckle!

"'Wag ka na kasi tumayo, sabi sa'yo kung uulitin natin mapipilay ka eh" sabi n'ya.

"Psh! Ano bang ginawa mo?! Bakit ganito?!"

"Sinamahan ka magpahinga" nakakalokong sagot niya.

"Lovebirds!" sigaw mula sa labas ng pinto at malakas ding kumakatok.

"Peste ka, Flodenciado! Lumayas ka riyan kung hindi tatablahin kita!" sigaw din ni Joax.

Agad kong binalot ang sarili ko sa kumot.

Lintik! Nakahubad pala ako. Nakahubad pa ako. Huhuhu Tangina.

"Lumabas na kayo riyan! Lagot ka kay Kapitan! Ano raw ginawa mo sa kapatid niya?! Kagabi pa hinahanap iyan, tangina ka!"

Si Kuya? Andito? Weh? Pakisapak ako!

Tumayo siya at may kinuha sa drawer. Iniabot niya sa'kin ang mga damit, dress pa 'yung pinili niya.

"Bihis ka muna" sabi niya saka ako binuhat papunta sa banyo at inupo sa gilid ng bathtub.

"Tawagin mo ako kapag may kailangan ka, lalabas din muna ako saglit, titingnan ko lang sila Vin. 'Wag kang lalabas ng wala ako ah. Bubuhatin kita palabas" nakangiting sabi niya tapos hinalikan pa ako.

Nakakunot ang noo ko pero nakangiti akong nagbibihis. Nakakabaliw ata talaga ang sex!

Pinilit kong tumayo pero masakit talaga!

Ang totoo namomroblema ako! Andyan si Kuya, paano ako maglalakad sa harap niya?! Puta, baka mahalata niya!

Pinilit kong maglakad, pinilit ko kahit maliliit na steps. Pinilit ko kahit para akong binibiyak sa sakit.

Calling Dra. Schulze~

"Hello? Yes Alix? What I can tulong to you?"

"Masakit kasi..."

"Ang what?"

"Down there?"

"Oh my god! What the heck did you do?! What the fuck?! Who the fuck?!"

Hindi ako nakasagot. Conyo 'yan eh! Eh bakit natuwid mag-english?!

"Well, anyways, that is normal. May nawreck lang na part ng body mo and the pain is normal."

"When will this be over?"

Pero agad kong pinatay ang tawag dahil pumasok si Joax, kasunod si Kuya.

Lumapit pa sa'kin si Kuya at humalik sa noo ko bago tumabi sa'kin.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now