Chapter 11: Demonio de la Guardia

197 24 37
                                    

LAST TIME:

May mga bagong humahabol sa Blackmail King - si Alexa, isa sa mga una niyang nabiktima, at si Jomar, ang na-frame up sa insidenteng muntik ikasawi ni Alexa.

Pero ngayon pa lang, pinaplano na ng schoolyard criminal ang pag-dispatsya kina Alexa, Jomar, Trisha at Tim...

Note: Ito na, Road to Season 4 na! Dedicated to Daddy cliff_hanger , author ng isa sa mga favorite Watty horror stories ko, ang Locked! Basahin niyo rin ang story niyang I Miss You, Tomorrow!

_________________

The Blackmail King


The devil, they say, is feared for three things: possession, temptation, and torment by fire.

Sa pag-recruit niya sa mga estudyante't staff ng St. Jude of Galilee, nagaya na ng Blackmail King ang una sa tatlo.

Today, he was about to do the second.

(Sweet dreams are made of this / who am I to disagree?)

__

Victim One / Kenzie Robles, Second Year


Naghahanap ng boyfriend si Kenzie Robles.

Bagama't di nagkulang sa ganda, nganga ang lovelife ng resident choreographer at ex ni Tyler Estrella, na napa-expel ng Blackmail King.


Pero 'di nagsayang ng luha si Kenzie: sa totoo lang, may bago na siyang pinupinturya: ang morenong dancer na si Aiden Nicdao.  


Aiden was handsome, with a few broken hearts to his name. He was confident, with a dozen dance competition championships under his belt.

He was also taken, and his girlfriend happened to be one of Kenzie's closest friends, Carmina.

Alam ito ni Kenzie. Wala siyang pakialam.


Kaya't ito ang pinambala ng Blackmail King sa kanya, gamit ang picture nina Aiden at isang mensahe:

He can be yours, Kenzie Robles. I can help.

__

"Matagal nang may gusto sa'yo si Aiden," bunyag ng Blackmail King.


Kinuwento niyang  hindi maipakita ni Aiden ang nararamdaman niya dahil kay Mina, kaya't humingi ito ng tulong sa kanya.

Nag-reply si Kenzie, nagdududa.


"Excuse me? Ba't kailangan ko pa ng tulay?" aniya. "Wala ba akong bibig, ha?"

Hindi. Wala kang utak,isip ng Blackmail King, pero patuloy lang siyang nag-bait-baitan.


Dapat mukhang natural ang break-up nila,kalmado niyang rason. Hindi dapat mukhang sinulot si Aiden.

"Kenzie, hindi ka kontrabida!" mapanukso niyang pain.


Ikaw yung makulit pero super-cute na babaeng papasok sa buhay ng guwapo at mayamang dancer, matapos ang isang heartless relationship.

Napaisip si Kenzie. Ang gandang basahin, ha? Parang...parang love story siya. 


Hindi ba mas magandang kuwento 'yun?

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon