SEASON 1: SILENT HEARTS/Trisha Sends a Letter

975 85 58
                                    

Fall is here, hear the yell/ back to school, ring the bell                                                                  

brand new shoes, walking blues/ climb the fence, books and pens

I can tell that we are gonna be friends!

The White Stripes ("We're Going to Be Friends")

“H-Hi, Timmy. Bakit ka nag-ju-jumping jacks?”

 Trisha Navarro, to Tim Crespo, Grade School ("Chapter 7: Kidlat")

___________________________________________

Do you promise?

Alam mo, sinubukan kong isipin kung saan nagsimula lahat nung nangyari nitong huling taon ko ng high school.

At kahit ilang beses kong pag-dugtong-dugtungin yung buong kuwento - yung buong case, kagaya ng sabi ni Tim - walang akong ibang makuhang sagot kung hindi yung pesteng Final Project na yun sa Hekasi.

Napakarami namang puwedeng naging umpisa, hindi ba? Sa kuwento, kunyari detective ka, minsan may babae o lalaking biglang papasok sa office mo.

Yung tipong may sigarilyo sa isang kamay tapos may nakatagong baril sa kabila. Yung taong dangerous, pero unti-unti kang pa-iibigin.

Minsan naman, may mahiwagang matanda, yung may mahabang balabal at hood. Pagkatapos mong tulungan, bibigyan ka niya ng bato na lulunukin, magic barbell na bubuhatin o kung ano pang powers.

Siguro masyado akong na-spoil ng mga librong nabasa ko. Sobrang taas, sobrang elaborate nung inaabangan kong umpisa nung misteryo ko - detective, Darna, end of the world, etcetera.

Kaya nung pumasok si Miss Pascual sa classroom ng 4th Year - Unity at sinabing may special project kami para sa anniversary ng school, hindi man lang sumagi sa isip ko na yun yung umpisa ng isang buong taon ng paghahanap.

Ng paghuhukay. Ng pagtatanong. Ng pagtawa, ng pag-luha. Ng pag-bubungkal ng nakaraan.

Ng pagtuklas namin - kaming dalawang hamak na teenager - sa isang tanong na hindi sinagot sa loob ng halos tatlumpung taon.

Pero iyon ang nangyari, eh.

Kung tadhana man ang nagdala sa sa amin sa lahat ng nakita, ginawa at nadskubre namin nitong taon na to - na nag-umpisa sa Special Project at nagtapos sa tabloid headline na SUSPEK SA PANANAKSAK SA PRIVATE VILLAGE , KALABOSO - siguro naman tapos na ang pakikibagbiruan niya sa akin. 

Pero hindi lang yung pag-iisip sa lahat ng nangyari - yung manggahan, yung sunog na restaurant sa dulo ng village namin - ang nag-papapuyat sa akin. 

If we're being honest, what really keeps me up at night is this - what if that Final Project wasn't the start?

Paano kung yung umpisa, yung tunay na umpisa ng kuwento ko, ay yung mga katagang narinig ko sa isang liblib na lote nung grade school pa lang ako? Nung una kong narinig yung original na 'Three Little Words' ko, bago ko malaman yung 'I Love You'?

What if it all began with these words, spoken years ago:

Do you promise?

Hidden HeartsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα