[8] Trisha in Saint Bartholomew [1 of 2]

218 36 45
                                    

LAST TIME: 

Nadiskubre nina Trisha at Tim ang isang serye ng mga pambubugbog sa kanilang village. Si Tim ang latest victim ng mga atakeng ito, matapos balian ng braso ni Kier, estudyante ng Saint Bartholomew School.

At ngayong may Bartolomean ID na si Trisha (kabayaran sa isang nalutas na case), at may mapa na ng SBS si Tim (galing sa isang fellow victim), handa na nilang pasukin ang Saint Bartholomew para hanapin sa Kier - at ang mastermind sa mga pambubugbog…

______________________

Note: Dedicated to CrazyBlueGIRL, na binigyan ako ng sobrang tinding recommendation sa Tropang Manunulat Book Club! Salamat, Miss Crayzeh! Anyway, please consider reading her ongoing Does Love Really Hurt? tungkol kat Pat, isang girl na biglang naging alalay ni James, ang guwapong new neighbor!

______________________

TIM (HIGH SCHOOL)

 Living Room, Crespo Residence / Tuesday, 4:45 PM

Tinuro ng 4-year old ang picture ng baka. “Cow.” Sa larawan ng manok: “Chicken.” Pinakita ni Margie ng picture ng baboy, at sinagot siya ng toddler na si Mandy: “Bacon.”

 Sa sofa, pinagtawanan ni Tim ang kapatid. “Heh. Very good, Mandy.”

 

Pinalo si Tim ng flashcards ng girlfriend niya, si Margie. “Sige, turuan mo ng kabalastugan yang kapatid mo,” sarkastikong sabi niya. Nakaupo siya sa sahig, kasama ni Mandy at ang mga nakakalat nitong coloring book, laruan at kid’s art supplies.

 

Binuhat ni Margie ang bata at kinandong sa lap niya. “Mandy, this is a Pig, okay? Not bacon.” “But Kuya said bacon is the correct,” apila ni Mandy, at hinalikan ni Margie ang noo ng bata, sabay malambing na kurot sa cute na pisngi nito.

 

“No, Kuya Timmy was kidding you. Sige, Mandy, lawayan mo yung Kuya mo,” at tumawa ang bata, sabay sunggab.Agad umiwas si Tim - lagi siyang niyayakap at nilalawayan ni Mandy pag gusto niyang kulitin ang Kuya, at ‘di pa ito kinalalakihan ng toddler.

“No, Mandy, do not hug Kuya!” sabi ni Tim sa isang sulok ng sala. “Yes! I will hug you!” sabi ni Mandy, papalapit at naglalaway, arms outstretched.

“Lo-look, 5:00 na, time to watch Phineas and Ferb, right? Right?” sabi ng desperate na si Tim, at himalang tumigil si Mandy.“Yay! Phineas and Ferb! Pwede ko na bang kunin yung juice at ice cream sandwiches ko?”

Nag-nod si Tim. “Okay. Basta huwag makalat kumain, ha, Mandy?” Masayang nag-nod ang bata. “Okay! Juicy-jusee-juicy-juice! Juicy-jusee-juicy-JUICE!”  Nag-skip si Mandy papuntang kusina.

Hinalikan ni Margie si Tim sa cheeks. “Galing mong mag-bait-baitan ngayon, ha,” biro niya, at tumawa si Tim. Umupo siya sa sahig katabi ng girlfriend niya. “That’s nothing. You should see me read bedtime stories. Anyway, thanks sa pag-babysit kay Mandy kasama ko.”

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now