[10] Case 3: Monster Story [Conclusion]

210 34 42
                                    

LAST TIME:

Matapos ang ilang linggong imbestigasyon, natunton nina Trisha Navarro at Tim Crespo si Kier: ang tambay na inutusang balian ng braso si Tim.

Ngayon, kilala na nila kung sino ang mastermind na amo ni Kier. At sa wakas, handa na ang dalawang schoolyard detectives na pabagsakin siya…pati na rin ang Desandiego, ang ilegal na sugalan na pinagpupustahan niya…

______________

Note: WOOH! Season 2 Finale! Salamat sa talaga sa suporta! Anyway, sobrang daming callbacks and references nitong chapter na ‘to, kaya ilalagay ko na lang siya sa hiatus chapter sa Wednesday. Season 3 coming soon!

Sa lahat ng bumasa, nagbabasa, at babasa sa Hidden Hearts, THANK YOU, THANK YOU, THANK YOU talaga! WOOH!

______________

 TRISHA (GRADE SCHOOL)

 Grade 2 Classroom / After Classes

“One for you, one for me,” sabi ng batang babae.

Inabot ni Trisha ang maliit na notebook kay Timmy, at umalma ang batang lalaki. “I already have a notebook. See?” ani Timmy, sabay pakita sa makapal na binder notebook niya: lalagyan ng lahat ng mga clues na nadiskubre niya tungkol sa Hidden Hearts.

Nag-smile ang batang babae. “Di ba partners tayo? So dapat parehas tayo ng mga gamit. Pag may notebook ako, may notebook ka rin. Ito o, one each din tayo nito.”

Nag-nod si Timmy, sabay kuha ng toy magnifying glass. “Okay,” sabi niya, sabay kuha ng isang pirasong papel mula sa bulsa niya.“Tignan mo ito, Trisha! Nakakita ako ng bagong Hidden Heart.”

Tinignan ni Trisha ang numero na nakasulat sa tuktok ng papel: #783. “Pero kakaiba tong letter na ‘to.” sabi ni Timmy.

“Heart #783? Hmm…” kinuha ng batang babae ang liham, at nag-umpisang magbasa:

“Dear Rose-Red,” umpisa niya, at naalala niya ang codename ng isa sa dalawang gumawa ng Hidden Hearts. “I’ve found something, and I think it’s very dangerous, because- ”

______________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

SJG Hallway, Outside the Principal’s Office / Recess

“- dahil ‘di aamin si Kier na inupakan siya ng babae, at di siya aamin na kumanta siya tungkol sa Desandiego.” sabi ni Trisha, habang hawak ang tape recorder niya.

Dumaan ang school administrator na si Sir Tony sa hallway, at sinita ang babae. “Bawal yan sa school, Miss Navarro! Nung isang araw ko pa nakikita yan, ha?”

Nakasandal si Tim sa pader ng hallway. Tinignan niya si Sir Tony habang papalayo ito. 

“Okay, fine, so hindi magsasalita si Kier, at napiga mo na siya tungkol sa miyembro ng Desandiego na nagpabugbog sa akin. So bakit kailangang kausapin pa natin si Miss Delgado?”

Kumatok si Trisha sa pintuan. “Dahil kailangang marinig natin ang confession ng mastermind. Trust me, Tim.” Pumasok si Trisha sa loob ng Principal’s Office. Naiwan si Tim sa labas, nag-aantay.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon