[8] Numbers

339 53 36
                                    

LAST TIME:

Isang maulan na hapon, nadiskubre ng Grade 2 student na si Trisha Navarro ang Hidden Hearts sa tulong ng best friend at classmate, si Timmy Crespo. 

Eight years later, si Timmy - ngayo'y Tim -  ay point guard na ng varsity at heartthrob ng Fourth Year. He and Trisha, now a brainy outcast, have grown apart after a horrifying fight during Grade 6, and the ‘case’ they began as children was left unsolved.

 But the mystery of the Hidden Hearts refuses to die, and now the past is about to come for Tim…  

 _________________________________

TIM (HIGH SCHOOL) 

Saint Bartholomew School, Basketball Court

1:05 na lang ang natitirang oras sa laro ng  basketball ng Alhambra Homes Private School Athletic Association, at dehado si Tim Crespo.

It goes by many names, isip ni Tim habang tumatakbo, deliryoso na ang isip sa pagod. Like the Devil across time, like a monster through the ages.

Tawag ng iba sa sitwasyon ko, gut-check time…minsan crunch time, o kaya clutch.  

And now it’s here. I see the monster, and it’s heading for me.

Pangatlong laban niya na bilang point guard, laban sa karibal na Saint Bartholomew, at tabla na sila ng naipanalong laro: 2-2. Ayon sa scoreboard, lamang ang Bartholomeans, 69-71.

Tinantiya ni Tim ang posisyon sa court bago malayuang pinasa ang bola kay Rom, ang katropa niyang center ng team nila. 

Ubos na lakas namin, isip ni Tim. Kung gusto naming manalo, huling hirit na ‘to.

Sa kabilang dulo ng court, nakita ni Tim na mag-layup si Rom nang biglang may humampas na kamay sa bola, dahilan para maagaw ito. Whapp! Saglit tinignan ni Rom ang kamay, nagulanta sa pagkawala ng bola. 

Takte, Rom - galaw na! Sayang sa oras! isip ni Tim.

Nagmadaling humabol si Rom, habang hinarap ni Tim ang taong umagaw sa dapat sanang score nila.

Kalat sa AHPSAA ang pagka-agresibo ni Calvin Campos, small forward ng SBS; na-ban siya sa Game 2 dahil sinapak ang sariling teammate.

Dumikit siya sa tapat ni Tim, pilit sumusugod; naalala ni Tim ang black-eye na nakita niya sa shooting guard ng SBS noong huling laro, at nagliyab na galit sa loob niya.

 Aggressive pala gusto mo, ha? isip ni Tim, habang sinusubukang harangan si Campos. ‘Di ako maka-abante…ba’t ‘di natin subukan pabaliktad?

Biglang umatras si Tim, at nawala ang balanse ng pasugod na si Campos. Agad dinukot ni Tim ang bola mula sa pagitan ng palad ni Campos at ng sahig, at tumakbo ang nakangiting point guard sa ring, kasunod ng nakabibinging sigaw ng mga manonood.  Ito, aggressive, o. Manood ka.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon