[8] Trisha in Saint Bartholomew [2 of 2]

202 33 15
                                    

LAST TIME:

Para mahanap ang mastermind sa isang serye ng pambubugbog ng high school students sa Alhambra Village, pinasok ni Trisha Navarro ang Saint Bartholomew School para hanapin si Kier: ang tambay na inutusang baliin ang braso ng partner ni Trisha, si Tim Crespo.

Habang kinakausap ni Tim ang school bus driver na si Mang Erning tungkol sa mga pambubugbog, si Trisha naman ay nahuli at na-corner ng Principal ng Saint Bartholomew…

______________

Note: BOOM! 4000 reads! SALAMAT PO SOBRA! Anyway, dedicated kay AsylumofAdytum, isa sa mga partners ko sa Tropang Manunulat Book Club!  Na-mention ko last time, pero anyway, read her ongoing, Stay Around or Else! Wooh!

(P.S. Word ups kay Rovie_Tan, na nahulaan ang ilan sa laman nitong chapter na ito! See Season 1, Chapter 5 para sa mga detalye. HAHAHA)

_____________

TIM (HIGH SCHOOL)

Saint Bartholomew School / The Same Day

May mga bagay tayong kailangang gawin para sa katotohanan.

Para kay Trisha, kinailangan niyang hampasin ng cardboard na itak ang Principal ng Saint Bartholomew School, para itakas ang isang yearbook na may impormasyon tungkol kay Kier.

Para kay Tim, kinailangan niyang manlibre ng meryenda.

Naglakad si Tim sa parking lot ng campus, at tinignan ang mga school bus drivers na inaantay ang pagtatapos ng Linggo ng Wika. Nakita niya si Mang Erning, ang dati niyang driver, at kinawayan ang matanda.

Nagawa niyang makapag-move on pagkakaroon ng school bus, hindi lang dahil sa praktikal na dahilan kundi dahil sa pagkakawatak ng pagkakaibigan nila ni Trisha noong Grade 6. Si Trisha, on the other hand, ay hatid-sundo pa rin ng school bus.

And now you're coming back to the bus...and you're a schoolyard detective again. Tell me, what does that say about you? isip ni Tim.

“Mang Erning, kumusta ang buhay?” bati ni Tim. May dala siyang dalawang plastic ng Piattos, at inalok niya ang isa sa driver.

“Timmy Crespo! Nakanang, nag-abala ka pa, ha?” sabi ni Mang Erning, sabay hawak sa dibdib. “Ahem, wala ba tayong panulak diyan?”

Tumawa si Tim, sabay abot ng Coke. Lahat ito’y planado niya, mula sa Piattos hanggang sa softrdinks: alam niyang mas madulas ang bibig ng mga taong puno ang sikmura.

Sumandal siya sa hood ng school bus, katabi ni Mang Erning, at nag-usap habang nag-memeryenda. Sa wakas, si Mang Erning mismo ang nagdala ng usapan sa planong itanong ni Tim.

“…Sayang talaga yang braso mo,” ani Mang Erning, sabay turo sa arm sling ni Tim. “Anong balita? Nahuli na ba yung gumawa dyan?”

“Sa totoo lang, yun ang pinunta ko dito,” sagot ni Tim. “Sabi ng isa sa mga nambugbog sa akin, inutusan lang daw sila. Tapos nalaman ni Trisha na may kinalaman daw yung Saint Bartholomew School sa nangyari sa ‘kin.”

Tumaas ang kilay ng driver, at nagtanong si Tim.  “Mang Erning, matagal ka na dito, di ba? May narinig ka na ba dati tungkol sa taong nagpapabugbog ng mga estudyante?”

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now