Chapter 4: Revelator [Tim]

249 42 46
                                    

LAST TIME:

Kilala na ni Trisha Navarro ang nasa likod ng tatlong magkakasabay na krimen sa loob ng isang araw: ang Blackmail King, na ginagawang lihim na alila ang mga estudyante ng school.

Pero nag-aalala ang partner ni Trisha na si Tim Crespo, dahil hindi ito ang unang beses na kinalaban nila ang Blackmail King - at noong Grade 6 sila, madali silang tinalo nito….

__________

Note: dedicated to cpsanti, na new reader ng Hidden Hearts! Hi po! Check out her ongoing, Be Careful What You Wish For, isa sa mga bago kong binabasa ngayon!

__________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

HS Campus Garden / Tuesday, Recess, 10:15 AM

Nag-umpisang magbasa si Trisha nang makita niya si Tim. 

“And I saw a star fall from heaven unto the earth...”

(Victim: Alexa Sanchez. Star student. Second Year. Tumalon galing sa High School Building. Comatose.)

“…and to it was given the key of the Abyss…”

(Victim: Jomar Benevidez. Fourth Year. The only thing poorer than his grades is his wallet. Sinisisi na tumulak kay Alexa. Frame-up.)

“…and smoke rose from it, like from the fire of a great furnace.”

(“The Blackmail King.” Schoolyard criminal. Old case. Very old case. Location? Plans? Identity?

(Unknown.)

Nag-stare si Tim. “…Wow. Yan na yata ang weirdest hello mo sa akin.”

Tumingala si Trisha mula sa libro niya. “Hi, Tim. Malapit nang magunaw ‘tong school natin. Ulit.”

“Aaand we have a new winner,” biro ni Tim. “Pwedeng umpisahan na natin ‘to? Wait, ba’t may dala kang Bible?”

Nasa malaking garden sila sa likod ng HS Building:  napapaligiran ito ng mga shed, mga istatuwa ng mga anghel, puno ng mangga, at mga estudyanteng kumakain ng recess.

Kasama nila si Tyler Estrella, ang Second Year na sinubukang pigilan si Tim na alamin ang tunay na dahilan ng pagtalon ni Alexa. 

“Values Ed homework,” sagot ni Trisha, bago kausapin si Tyler. “May ganito din kayo sa Second Year, ‘di ba? Saang book ng Bible galing ‘yung sinabi ko? Guess.”

“Um…Exodus?” hula ni Tyler.

“Nalimutan ko Bible ko. ‘Diba next week pa yun?” hula ni Tim.

Nag-snort si Trisha. Revelations. And now, Tyler, you’ll be giving us some revelations of our own.” Sinara ni Trisha ang maliit na Bible niya. Snap.

“The Blackmail King,” tanong ni Tim. “Paano ka niya kinontact?”

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now