Chapter 8: Silly-Talk (1 of 3)

217 40 54
                                    

LAST TIME:

Napigilan nina Trisha Navarro at Tim Crespo ang unang atake ng Blackmail King.

Pero nasa dilim pa rin sila kung sino siya, anong motibo niya - at ang plano niya para sa Saint Jude of Galilee Academy…

___

(Note: Belatedly dedicated to BrownRanger! Sobrang nakakaaliw kasi yung stories niya sa  Parang T*nga Lang!)

___

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Living Room, Crespo Residence / 1:55 PM

One week after ng You Are Elle case, busy na ulit sila.

Ang Resurrectress ng Lab 3-C: Isa-isang nawawala ang mga dissected animals mula sa Bio Lab…bago iulat ang mga ito na buhay at gumagala sa campus. Solved.

The Status Interpreter: Nag-status ang BFF ni Erika Vallejo ng “I hate you! Phony liar!” Pinatunton ni Erika kina Trisha kung sinong pinariringgan nito. Solved.

The Disassembler:  May nagnanakaw sa mga bag ng mga Thaddeans, bago ikalat ang mga laman nito sa magkakalayong dulo ng school. Solved.

And recently? The Mystery of Kinain ng Kapatid Ko ang Isang Plateful ng Waffles. Solved.

“I don't believe this, Mandy,” sabi ni Tim sa batang nakaupo sa sofa, humihigop mula sa isang juice box. "Lumabas lang kami ng mga ten minutes."

Nakatayo sa tapat ng sofa sina Tim at Trisha, parang tatay at nanay. Makulimlim ang alapaap sa labas: parang nag-aantay ng tamang oras para bumugso.

“Mabilis magutom ang mga bata, Tim. It’s normal,” ani Trisha, bago tignan ang isang hibla ng tan-colored hair sa gilid ng pinggan. 

“No, It’s not, Trish,” biro ni Tim. “Where in that tiny body is she even putting those waffles?”

Tinuro ni four-year old ang tiyan niya. “In my tummy, Kuya! Because I ate them,” nod niya. “All the waffles.”

Nag-scowl si Tim. “…I don’t like you right now.”

Nag-chortle si Mandy, nginunguya ang straw ng juice box. Umupo si Trisha katabi niya, hawak ang buhok sa pinggan.

“Mandy, I found a long brown hair in the plate. Did Rusty help you eat the waffles?” she asked kindly.

Nag-hesitate ang bata, bago bumulong kay Trisha.

“…I was sad because we didn’t feed the dog last night,” ani Mandy, inaalala ang Rottweiler nila. “Please don’t be mad at my dog,” plead niya.

“Of course we won’t,” smile ni Trisha. “Pero next time, Mandy, ask a grown-up to help you feed Rusty, ‘kay? They know what food’s good for him.”

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now