[9] Letter (1 of 2)

282 44 29
                                    

LAST TIME:

Noong Grade 2 sila, nalutas ni Trisha Navarro ang una niyang Hidden Heart, dahilan para gawin siyang partner sa paghahanap ng mga ito ng best friend na si Tim Crespo.

Ngayong pa-graduate na sila ng high school, nalimutan na ni Tim ang tungkol sa mga Hearts - pero isang trahedya ang magtutulak sa kanyang balikan ang misteryong hindi nila natapos...      

(NOTE:  Sa mga nag-vote po sa entry ko sa PACONTEST NI OTOR  ni CandiesForFree, THANK YOU! You're awesome! Guys, please consider voting too! Iwan ko yung link sa baba, after ng mga papuri ko kay @Rovie_Tan. HAHAHA)

________

        Habang ginugulpi si Tim Crespo sa mga talahiban ng Alhambra Village, nagbi-bisikleta si Trisha Navarro papunta sa bahay ng dating kaibigan.

Dumating na ang magic hour - ilang minuto kung saan nagiging ginto ang langit....bago sakupin ng dilim ang buong Alhambra Village.

Nag-pedal si Trisha. Nasa bulsa ng school skirt niya ang isang liham na nasa asul na envelope - isang letter na plano niyang ibigay kay Tim.

Sige, gawin mong letter. Bakit, hindi ba pwedeng i-message online? isip niya, habang dinadaanan ang abandonadong Cherrylyn Food Plaza.

Years ago, Tim started with a letter. Yung letter na kasama ng unang Hidden Heart niya.

Natanaw niya ang Crespo Residence, sa dulo ng isang kalsadang  puno ng magagarbong mga bahay.

If we’re going to do this again - if I’m going to ask for his help - uumpisahan ko ng tama. The same way he started it.

______________

“Ayokong mag-umpisa ng away,” sabi ni Tim sa limang lalaking pumalibot sa kanya.

“Tim Crespo? Ikaw yun, diba?” tanong ng isang matangkad at mapayat na lalaki. Sa ibaba ng marumi at kulot na buhok, nakasuot siya ng butas-butas na maroon na jersey. “Heh. Galing mo daw mag-basketbol, ha?”

Tumawa ang katabi nito, isang malapad na lalaki. Nabatak ang suot nitong P.E. t-shirt habang ginagaya ang pag-shoot ni Tim.

Ngumiti si Maroon. “Tara, gimik tayo! Sama ka sa’min, may court dun sa compound namin.“ 

Masama na ang kutob ni Tim, pero pinilit niyang kumalma. “ ’Sensya na. Kaka-basketbol ko lang, pagod na ‘ko. Sa susunod na lang.”

Dumilim ang paningin ni Maroon, sabay lapit kay Tim. “Sabi ko, sumama ka sa’min. Ano, ‘di ka sasama?”

Tinitigan ni Tim nang deretso si Maroon. “Hindi.”

Tumingin si Maroon sa mga nakapaligid na kasamahan, sabay halakhak. “Pano ba ‘yan! Ayaw sumama sa ‘tin!”

“Jonard! Miko! Hawakan niyo nga yan!” Nakaramdam si Tim ng dalawang brasong kumandado sa bisig niya.

Bago pa makapalag si Tim ay sinikmurahan siya ni Maroon, at nag-umpisa siyang pagsusuntukin…

______________

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now