Chapter 2: Case 4: Fallen Stars [Clues]

243 43 62
                                    

LAST TIME:

Habang iniimbestigahan ni Trisha Navarro at Tim Crespo ang ‘manananggal’ na nabanggit sa isa sa mga love letters ng Hidden Hearts, isang bagong case ang inabutan nila: isang Second Year student na kritikal sa pagtalon mula sa High School Building.

Ang pangunahing suspect: ang kaklase nila, ang mahirap at palaaway na Fourth Year na si Jomar…

__________

Note: Dedicated to MattfanCreature, na dati kong kasama sa Bida Wattpadder! Matagal na din tong utang sa kanya tong dedic na ‘to, eh. HAHAHA :)

__________

TRISHA (GRADE SCHOOL)

Detective Office / Grade Four

Isa sa mga parte ng paglaki ay ang pagtuklas sa limitasyon mo - sa mga bagay na kaya at hindi mo pa kayang gawin. Ito ang matututunan nina Trisha at Timmy ngayon, sa unang beses nilang pag-inom ng kape.

Nasa loob sila ng lumang shipping container office nila, at nasa card table ang clue ng Hidden Heart #784:

1st: (Magdagdag – d)+(minahan - e)+(ay)+(ipagkanulo – bey)+(traydor - trai)+’S

2nd: (Ng)+f+(yelo)

Pinatungan ito ni Trisha ng ID bilang paperweight, at natakpan nito ang drawing ng American flag sa ilalim ng clue.

“Dali, try lang natin! Yung mga detectives sa TV, umiinom ng kape,” alok ni Timmy, inaalog ang pinuslit na Power Rangers Thermos na puno ng tinimpla niyang black coffee. “Ayaw mo nun, parang totoong detectives tayo?”

Nag-pout si Trisha. Ilang minuto na siyang pinipilit ni Timmy at sumangayon na lang siya, para matapos na. “Sige na nga. Tsk.”

Maingat na binuhos ni Timmy ang kape, at sabay nilang tinignan ang laman ng mga paper cup nila. “Eeeeww, bakit black siya?” ani Trisha.

Nag-shrug ang lalake. “Ready?” Kinuha ni Trisha ang baso niya, at nag-bilang si Timmy. “One…two…three!”

Sabay nilang tinungga ang black coffee sa mga baso nila. At agad nilang sabay na pinagsisihan ang ginawa nila.

May mga patak ng kape na tumapon sa papel ng Heart #784, at tumayo si Timmy, sumisigaw.

“ANG INIT! AAAH! YUNG BIBIG KO!”

Umiiyak ni Trisha, pinupunasan ang dila niya. “Ang pait! Ang pait! Hindi na ako iinom ng kape, kahit kailan! Huhuhu….”

Tinignan niya si Timmy. Lumuhod ang bata sa sahig, nakahawak sa tiyan at maputla ang mukha.

Tumingin siya kay Trisha, at bumukas ang bibig niya.

“Hurkkkkk-”

_________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Campus Canteen / Monday, 6:25 AM

“Mmmm. Good coffee,” puri ni Trisha.

Inabot ng teenager ang isa pang baso ng kape kay Tim, bago umupo katapat ang classmate nilang si Jomar Benevidez.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now