[4] Case 1: The Yellowmen [Solution]

267 39 39
                                    

LAST TIME:  

Binigyan si Tim Crespo ng warm-up case ng dating partner at best friend na si Trisha Navarro –case tungkol sa dalawang misteryosong bisita sa school nila: ang “Yellowmen”.

Nalaman ni Tim ang kung sino ang Yellowmen, at ang contact nila: ang strict at coldhearted na si Principal Delgado. Pero may nalaman din siya tungkol sa mga Yellowmen: bagay na magiging banta sa buong paaralan nila…

______________________

TIM (HIGH SCHOOL)

Fourth Year Classroom/ Monday, 2:45 PM

Pumunta ka sa office this Saturday – you’ll want to hear this. Personally.

Ito ang sabi ni Tim kay Trisha, Biyernes ng gabi. Pero di sila nag-usap buong weekend: nag-family reunion kasi sina Trisha sa isang Batangas resort.

Kaya’t inisip ni Tim na sa “office” na lang nila pag-usapan ang Yellowmen case, after ng Monday classes, at paglabas ng last teacher, sumigaw si Rom Calzado, captain ng basketball team. "Konti na lang, uwian na!”  

Tumawa si Tim. “Sige nga, kung uwian na, tumbling na ka nga?” “’Lul! Sige ba, pero samahan mo ‘ko, Tim, ha?” sagot ni Rom, sabay turo sa arm sling ng dating point guard.

 

Nagkuwentuhan at nag-murahan sina Rom, Tim at ng tropa nila. Sa paligid nila, nag-iingay din ang ibang Fourth Year: “…yung trailer?...di ko maimagine, lamang-loob?...Galleon’s, sundae tayo…anlaki daw ng taya doon, libo daw…ikaw, manananggal!…bili ng John Green, WOOH!...”

Biglang nag-slam pabukas ang pinto ng classroom. BLAG! Tumahimik ang lahat, at pumasok ang chinitang alpha girl ng Fourth Year na si Nicola Calma. Walang ka-malditahan at bewitching prettiness sa mukha niya - sa halip, red ang eyes niya sa pag-iyak.

Umupo siya sa tabi ng barkada niya, na agad siyang ni-comfort. Pumasok din ang homeroom teacher nila na si Miss Alvarez, para pirmahan ang mga Student Diary nila, bago sila pauwiin.

Pag-pasa ng Diary, bumulong si Tim sa katabi niya, ang GF niyang si Margie Espinosa. “Ba’t naiyak yung si Nicz?” Yumuko si Margie. “Remember Brandon, yung BF niyang taga-Saint Bartholomew? May hinala si Nicz na may ibang GF daw siya. Hoy, Tim,” biro niya. “Baka may Number 2 ka diyan sa tabi-tabi, ha?”

“Ako? May Number 2?” ngiti ni Tim. “Pssh. Paranoid.” Pero pag-pasa ni Margie sa Diary niya, nalingid ulit ang tingin ni Tim kay Trisha…

 ________________________

Detective Office, No Man’s Land/Monday, 3:40 PM

“…No romance. We’re friends, and that’s it,” sabi ni Trisha.

“Huy.  Huy, sinong kausap mo?” tanong ni Tim, na kaka-pasok lang sa shipping container na office nila. Tinaas ni Trisha ang isang yellow pad.

“Tinapos ko lang yung English homework natin: ‘Write a new ending to Romeo and Juliet, and explain.’ Basically,ni-friend zone ko si Romeo.”

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon