SEASON 3: BURNING HEARTS/The Blackmail King

344 42 77
                                    

Get out...before it gets dark tonight. You're TOO OLD to stop me! You're ALL TOO OLD!"

Pennywise the Clown, ("It" by Stephen King)


"...So stand down, little detectives. Or all the cases you've solved, all the schoolmates you've helped...I'm going to twist them all against you."

The Blackmail King

____

PREVIOUSLY ON SEASONS 1 & 2:

Sa huling taon nila ng high school, nag-reunite ang ex-best friends at ex-schoolyard detectives na sina Trisha Navarro at Tim Crespo, matapos ng isang matinding away noong Grade 6.


Dalawa ang dahilan nito - una, para madiskubre ang sikreto ng Hidden Hearts: mga heart drawings at love letters na itinago nina Rose-Red at Boy Blue: high school sweethearts at dating estudyante ng Saint Jude of Galilee Academy.


Ang pangalawang dahilan ay ang paglutas sa isang case na kinasangkutan ni Tim.


Nang inabandona ni Tim ang pagiging schoolyard detective, naging star point guard siya't nakahanap ng bagong mga kaibigan at isang loyal na girlfriend, si Margie...habang nalugmok sa pagiging nerd at bookworm si Trisha.


Pero nang pauwi si Tim matapos ang huling laro niya, binugbog at binali ang kanyang braso ng isang grupo ng mga tambay, sa pamumuno ng lalaking nagngangalang Kier.


'Di naging madali para kina Trisha at Tim ang magtulungan muli, pero unti-unting nagbalik ang husay nila sa paglutas ng cases...kasabay ng pagbabalik ng pagkakaibigan nila.


Matapos ang ilang linggong imbestigasyon, nadiskubre ni Trisha ang utak sa pagpapabugbog kay Tim: si Sir Tony, ang kanilang school administrator. Dahil malaki ang pusta niya sa ibang kupunan, pinabugbog niya si Tim para hindi ito makapaglaro at masabotahe ang team ng Saint Jude.


Matapos i-expose ang krimen ni Sir Tony at mapakulong si Kier, naghanda na sina Trisha at Tim na balikan ang paghahanap sa Hidden Hearts...at ang pagtuklas sa totoong pagkatao nina Rose-Red at Boy Blue.


Ang susunod nilang clue: isang love letter mula kay Boy Blue - at isang misteryosong babala rito, tungkol sa isang manananggal...


END OF SEASONS 1 AND 2

_________________________

Sa isang malaki at madilim na kuwarto, isang lalaki ang nakatingin sa laptop screen niya.

Ilang sandali lang, binuksan niya ang player sa laptop niya, at tumugtog ang isang lumang kanta.


Habang iniisip niya ang tagumpay ng krimen na pinlano niya para bukas, nag-umpisang mag-hum ang Blackmail King.

(Please allow me to introduce myself / I'm a man of wealth and taste...)

_______

Victim 1: Jerwin Abrahan, Fourth Year

Naglakad ang tropa ni Jerwin bitbit ang mga plastic ng chichirya at ang maruruming bote ng softdrinks, kasama ang team captain ng Thaddean basketball team, si Rom Calzado.

Hidden HeartsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang