[3] Case 1: The Yellowmen [Clues]

337 43 44
                                    

LAST TIME: 

Pumayag si Tim Crespo na samahan muli si Trisha Navarro na maghanap ng Hidden Hearts -  pero kapalit, hahanapin ni Trisha ang mga tambay na gumulpi at bumali sa braso ni Tim

Binigyan siya ng hiwalay na warm-up case bago balikan ang kaso ng Hearts – case tungkol sa dalawang lalake na labas-pasok sa school nila, na may suot na yellow na mga polo…

______________________

Note: Dedicated to LadyPaige - I love her Romance/Mystery works!. Read Loving Mr. Cold-Blooded Damon, tungkol sa isang girl na may bewitching name pero more-or-less normal life, hanggang maka-meet niya ng guy na may strange name...at isang dark, intriguing persona. 

______________________

ROSE-RED (25 YEARS AGO)

Binigyan ng Second Year girl ng smooch sa pisngi ang katabi niya sa ilalim ng puno sa labas ng campus.  “Last night? Weirdest. Date. Ever.”

“I know, right?” sagot ni Boy-Blue kay Rose-Red. “Sayang - may evening picnic, candlelight dinner, nag-order pa ko ng favorite mong tiramisu…”

“…tapos hinabol tayo paalis ng night guard,” dugtong ni Rose-Red, tumatawa. Ni-recite niya ang clue sa Hidden Heart na ginawa ni Boy-Blue:

“Dahil ngayong araw, espesyal para sa ‘yo,  Ang kapares wala dito, sa labas ay tumungo.May nag-iintay, espesyal na sorpresa. Sa templong bantay ng kambal na seresa.”

Ngumiti siya. “I know espesyal na araw yung birthday ko, pero over-the-top ata yung surprise picnic sa loob ng Cherrylyn Food Plaza, diba?”

Tumawa si Boy-Blue, at inisip ni Rose-Red: He doesn’t laugh much, just mostly smiles, but when he does, I can’t help but love him even more. 

“Over-the-top?” sabi ng lalake. “Basta ikaw, walang over-the-top. Kung gusto mo ng 36-inch Pizza,  ii-smuggle ko yun sa loob ng abandonadong Plaza na yun.  Si Rose-Red naman ang tumawa. “Lul! Bahala ka kumain, iiwan kita dun.” Piningot niya sa tenga si Boy-Blue, at gumanti ito ng kiliti.

Nang matapos na silang magharutan, nag-sigh si Rose-Red – ang contented sigh ng babaeng ‘di makapaniwala sa ganda ng takbo ng buhay niya.

“Ang hilig natin sa palaisipan,” sabi ni Rose-Red. “Bigyan kita ng isa, ha? What good did I ever do to deserve a charming, thoughtful, unbelievably wonderful guy like you?”

Ngumiti si Blue. “I’m not here because you deserve me. Nandito ako kasi mahal kita, with all the love I have in my heart. No riddles, no questions…no Hidden Hearts.”

“I love you, and sometimes that’s all the reason anyone ever needs.”

Tumingin si Rose-Red sa mga mata niya. “I love you too.”

Hinalikan niya si Boy-Blue full on the lips. Matapos ng ilang segundo, naghiwalay sila, at humabol si Rose-Red ng isang maliit at mabilis na kiss. “Pero next time, proper date naman, ha? Movies, restaurants, ganun.”

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now