[1] Ghost Story (1 of 2)

286 43 48
                                    

LAST TIME:

Matapos tambangan at balian ng buto sa braso, hindi pa rin tanggap ni Tim Crespo ang sinapit niya.

Samantala, nag-iwan si Trisha Navarro ng liham kay Tim, para yayain siyang lutasin ang misteryo ng Hidden Hearts bago sila mag-graduate.

Ngunit hindi nakaabot ang liham kay Tim. Nasa kamay ito ngayon ng kapatid ni Tim na si Mandy…

__________________________________

(Dedicated to @athzgrphbcpotato, na lagi akong nalilito sa name, simula nung nag-partner kami sa book club! HAHA di joke heart ko yan si Ate Jett. Check her ongoing, You're My Wonderwall!

It's about Charlie, isang tomboyish na babae, at si Rave, ang classmate niyang may shared secret past! Fave Chapter? 8.1, kung saan victim si Aria Charlie ng pagbisita ng mga classmates niya!)

__________________________________

TIM (HIGH SCHOOL)

May 5 stages na pinagdadaanan ang isang taong namatayan: Denial, Anger, Bargaining, Depression, at Acceptance.  Ang pagdaan lang daw sa mga ito, sabi nila, ang paraan para mag-move on mula sa nawala sa iyo.

Ito ang pasanin ni Tim ngayon - si Tim, na sa mga nakaraang araw ay nag-mistulang multo ng paaralan dahil sa brutal na pagkawala ng braso niya.

 Hindi pa siya nakakaalis sa Stage 1.

Anger/Crespo Residence, Morning

        Dumaan si Tim sa isang pader na puno ng larawan ng pamilya Crespo – ang ate niyang si Megan, si Tim mismo, at ang bunsong si Mandy, pati ang nanay nilang si Veronica.

Makapal ang hangin sa kusina dahil sa halimuyak ng almusal. Sa mesa, sa tapat ng plato ng longganisa at sinangag, nakita ni Tim ang 4-year old na si Mandy.

Abala siya sa kanyang MY FIRST FARM COLORING BOOK, at nagkalat sa dining table ang Crayola SO-BIG crayons niya.

Suot na ni Mandy ang kanyang daycare uniform, at pag-sandok na si Tim ng pagkain sa pinggan, naamoy niya ang pulbos at baby cologne ng kapatid.

Masayang kumaway si Mandy at sinara ang coloring book niya. “Kuya! May nakita akong moo-moo! I will tell the story, and you listen and eat your food.”

Mahilig sa imaginary stories si Mandy. Noon, laging may oras makipag-biruan si Tim sa kapatid – minsan, siya mismo ang nag-iimprove sa kuwentong inumpisahan ng bata.

Subalit hindi si Tim ang katabi ngayon ni Mandy. Anino lang siya ng dati niyang personalidad.

Kaya’t nang tinutuloy nito ang kuwento – “hindi nag-bark si Rusty, kasi diba ang dogs quiet sa multo?” – unti-unting nairita sa Tim sa kapatid.

“Tim, bilisan mong kumain, ihahatid ko kayo parehas ni Mandy,” sabi ni Veronica Crespo sa kainan, sabay inom ng kape mula sa mug.

Tumigil si Tim ng pagkain, pero tuloy pa rin ang kuwento ni Mandy. “ Pinag-usapan na natin to, Ma. Kaya ko namang mag-trike, eh.”

“-and she had long hair, and a uniform like mine, and then –“

 Nilagyan ni Mrs. Crespo ng Tupperware at Thermos ang lunchbox ni Mandy. “Mahirap na, Tim. Baka mapano yang braso mo sa pag-commute. Sabi pa naman nila may nangunguha daw ng-”

Hidden HeartsKde žijí příběhy. Začni objevovat