Chapter 3: Case 4: Fallen Stars [Conclusion]

230 41 56
                                    

LAST TIME:

Para linisin ang pangalan ng classmate nilang si Jomar, hinanap nina Trisha Navarro at Tim Crespo ang naospital na si Alexa Sanchez, na tinulak umano ni Jomar mula sa High School Building.

Pero umpisa pa lang ng paghahanap nila, handa na ang Blackmail King para putulin ang imbestigasyon nila…

__________

TIM (HIGH SCHOOL)

Saint Gertrude Medical Center / Saturday

Habang lihim na dumarami ang hukbo ng Blackmail King sa Saint Jude of Galilee Academy, nasa hospital lobby si Tim, naglalaro ng Pokemon sa phone.

(Houndoom used Nasty Plot!)

Nagpunta sila sa ospital para kausapin si Alexa Sanchez, sa tulong ng ex-client nila at classmate nito na si Bettina Chua. Pero unresponsive pa rin si Alexa, kaya’t si Mrs. Sanchez lang ang nakausap nila.

“Sobrang saya nga niya sa bahay, confident na confident siya sa exams niya…” hagulgol niya, at matapos ang ilang minuto’y nagpaalam na sila. Nagpunta sa CR sina Trisha at Bettina, at inaantay sila ngayon ni Tim sa lobby.

(Houndoom used Torment!)

Pero ‘di maalis sa isip ni Tim ang pakiramdam na may nakaligtaan sila tungkol sa araw na tumalon si Alexa mula sa second floor.

Exhibit A: Tumalon si Alexa. Exhibit B: Dumaan si Jomar, hinahanap yung nawawalang wallet niya. Exhibit C: Nakita ni Jomar si Alexa, nakahandusay.

(Houndoom used Embargo!)

So, wait: eksaktong nandoon si Jomar para masisi sa nangyari?

Something’s wrong with this picture, Your Honor,isip ni Tim.

(Houndoom used Inferno! Articuno was knocked out!)

“Anak ng-” sabi ni Tim, at nakita niya si Trisha Navarro at Bettina Chua. Dinaanan nila ang isang matandang babaeng humahagulgol sa isang grupo ng mga kamag-anak.

“Tignan mo yung lola na yun, Tim. 5 seconds lang, aIam ko na agad na Mrs. Vivientes ang name niya…ano ‘yan? Pokemon?”

“Trish, this lead was a bust,” ani Tim. Nag-nod si Trisha - ‘di niya suot ang ponytail at side bangs niya: para magmukhang bata, nag-pigtails.

Mas maganda siya ‘pag naka-ponytail,isip ni Tim, at agad niyang binugaw ang thought na ito.

Bettina,” ani Trisha, “May napansin ka bang problema ni Alexa nitong nakaraang linggo? Depressed, malungkot, ganun?”

Nag-shake ang head ni Bettina. Tumingin siya kay Tim, at binuhol ang buhok niya, isang common flirting sign. “Alam niyo bang siya lang ang pumasa sa huling Math quiz ni Miss Nieves? Anlaki ng ngiti niya ‘nun.”

Kinuwento din niya ang panlilibre ni Alexa noong naka-97 siya sa exam nila sa Geometry. “She never does that,” bulong ng babae.

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon