[7] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Solution]

242 37 47
                                    

LAST TIME: 

Pumayag si Trisha Navarro na tulungan ang classmate na si Nicola tungkol sa BF nitong si Brandon Solis, isang suspected two-timer.

Pero habang iniimbestigahan niya si Brandon, on-the-rocks ang relationship ng partner niyang si Tim Crespo at ng GF nitong si Margie, dahil sa paghahanap ni Tim ng Hidden Hearts…

______________________

Hi ulit to LyUNAcee, na masipag na humabol dito sa Season 2! Eto, na ateh, malapit nang ma-salvage si Kier! HAHAHA :) As usual, check out her ongoing Ang Diary ng Dalawang Tanga! Hi and thanks din to AsylumOfAdytum para sa comments niya! Read her ongoing, Stay around or else. WOOH!

______________________

 TRISHA (HIGH SCHOOL)

 Pinunasan ni Trisha ang dumudugong labi niya, at hinarap ang galit na si Margie Espinoza.

 “May kailangan kang kausapin,” sabi niya, sabay turo sa kasama niya.

 ___

 Detective Office/Three Days Ago

Sunday afternoon: nagdidikit si Trisha ng news clippings sa whiteboard nang may kumatok sa pintuan ng lumang shipping container.

Toong. Toong.

Pinagbinuksan niya ng pintuan si Tim. Bagaman maayos ang suot nitong damit, malinis ang sapatos, at amoy green tea perfume, halata ni Trisha na may problema ang partner niya.

Eyebags. Oily face. Shaking hands. Kanina pa hinihimas ang arm sling, hindi mapakali. Conclusion? May hindi nakatulog ng maayos kagabi.

“Huh. Ganun ba kalala yung Mass kanina, Tim?” biro ni Trisha, pero naupo lang ito sa desk, at sumandal sa yerong pader, at pumikit.

 Lumapit si Trisha, sabay pindot sa pisngi ni Tim. Dut. Dut. “Huy, ano bang problema mo?”

 

Dinilat ni Tim ang isang mata niya. “Si Margie.” Na-realize agad ni Trisha. “Sa Galleon’s?” Nag-nod si Tim. “Yung dream date namin kahapon.” Nag-sigh si Trisha. “…Nalimutan mo.”

Marka ng samahan nila na sa ilang salita lang, alam na ni Trisha ang dinaramdam ng kaibigan.

“…Sorry, Tim. Eto, para mabaling yung isip mo: I solved Brandon Solis’ case.”  Tinapik niya ang picture ni Brandon, ang chinitong campus prince na taga-Saint Bartholomew School, rival school nina Trisha.

 

Naglagay siya ng picture ni Biao Mei, ang babaeng nakita ni Trisha na nakikipag-lunch kay Brandon, at nagulat si Tim.“Wait. Wait, yan yung kasama ni Brandon? Di mo ba kilala kung sino yan?”

“Oo,” ani Trisha. “Nag-lu-lunch sila sa restaurant katapat ng Alhambra Golden Dragon.  Pero feel ko nga nakita ko na siya in person last year, eh. I just don’t know where...”

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon