SEASON 2: WAKING HEARTS/Tim in No Man's Land

334 45 34
                                    

"Nothing went wrong. People change."                  

"...Can they change back?"  

"I don't know. I think that's harder."

Bud and George Parker ("Pleasantville")

 "Wow...I forgot how weird you were."                                                                                                           

Tim Crespo to Trisha Navarro, High School

 ________________________________

SEASON ONE SUMMARY:

        Sa umpisa ng huling taon ni Trisha Navarro sa Saint Jude of Galilee Academy, binigyan ang 4th Year-Unity ng isang Special Project para sa nalalapit na anibersaryo ng school.

Dahil tungkol dapat sa history ng school ang project, naalala ni Trisha ang Hidden Hearts – mga misteryosong drawing ng mga puso, na lihim na ikinalat sa buong paaralan nila. 

 Ang may alam lang sa mga Hidden Hearts ay si Trisha, at ang dati niyang best friend, si Tim Crespo, na nag-introduce kay Trisha sa misteryo ng mga Hearts noong Grade 2 sila.

Nakita ni Timmy ang talino ni Trisha, dahilan upang yayain niya ang batang babae na maghanap ng mga Hearts kasama niya, isang hobby na nagtagal ng ilang taon. 

 Subalit pagdating ng high school - sa hindi pa nalalamang dahilan - nagkaroon ng matinding away sina Tim at Trisha, dahilan para mag-hiwalay sila ng landas.

Naging varsity basketball player si Tim. Nagkaroon siya ng bagong grupo ng mga kaibigan, pati na rin ng girlfriend, si Margie Espinosa.

Naging nerdy na honor student si Trisha - medyo matalas pa rin ang detective skills niya, pero ‘di na siya nakaalis sa mundong nagawang iwan ni Tim.

Pero dahil last year na nila, nagdesisyon si Trisha na humingi ng tulong sa kaibigang nakaaway niya apat na taon na ang nakalipas.

Gumawa siya ng liham para kay Tim, para magkita sila sa isang malawak na talahiban na kung tawagin ay No Man’s Land. Sa No Man's Land sila gumawa ng 'detective office' mula sa lumang shipping container, noong bata pa sila.

Habang naglalaro si Tim kalaban ang karibal na Saint Bartholomew School, pumasok si Trisha sa Crespo Residence - na dati’y pangalawang tahanan niya - at iniwan ang liham sa kuwarto ni Tim.

Pero nang hapon na iyon, inatake’t ginulpi si Tim ng isang grupo ng bayarang tambay. Sa loob ng isang condemned na gusali - ang Cherrylyn Food Plaza - brutal na binali ang braso niya ni Kier, isa sa mga tambay.

Bago mawalan ng malay, may nakita si Tim sa kisame ng Cherrylyn Food Plaza – isang higanteng Hidden Heart, bagay na akala niya’y sa loob lang ng Saint Jude of Galilee makikita…

END OF SEASON ONE SUMMARY

______________________

Move on.

Ito ang isa sa mga pinakamahirap na bagay na gawin sa buhay.

Mahirap ito, ‘di lang dahil sa bagay na minahal mong nawala sa iyo. Dahil din ito sa isang mapait na realisasyon: nakakapit ka pa rin sa isang parte ng buhay mo, na alam mong tapos na.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now