Chapter 6: Case 5: Key to the Kingdom [Clues]

203 38 41
                                    

LAST TIME:

Ninakaw ng Blackmail King ang Hidden Heart #786, inatake ang GF ni Tim Crespo, at pina-expel ang isang estudyante…lahat para pilitin sina Tim at Trisha na lutasin ang hinanda niyang case. 

Now Tim is injured, Trisha is shaken - at may sumabog mula sa First Floor ng High School Building…

__________

NOTE: Dedicated to chasingfantasy! Check her new ongoing, The Preternaturals, tungkol sa anim na chosen warriors at ang digmaan na kukuha sa isa sa kanila! Wooh!

__________

TIM (HIGH SCHOOL)

Student Press Office / Monday, 10:20 AM

The Thaddean Herald ang pangalan ng school paper ng Saint Jude of Galilee Academy.

Writing showcase ito ng mga Thaddeans, especially ang Featured Fiction section, na madalas abangan ng aspiring writers sa school. Ito ang headline ng latest issue nila: “BLACKMAIL KING” SPREE CONTINUES?

Which was ironic, dahil nagkalat ang kopya nito sa sahig ng Student Press Office…parang calling card ng schoolyard criminal na nagpasabog nito.

“Takte,” turo ni Tim sa umuusok na labi ng appliance sa gitna ng office. “Ayun. Doon nanggaling yung sumabog.”

It was the photocopier. Halos unrecognizable na ang makina: nag-bloom ang sumabog na plastic sa surface nito, at sunog na ang mga piyesa nito. Naglakad si Trisha palapit, at nakalas ang paper tray nito’t bumagsak sa sahig.

Pinulot ni Trisha sa isang charred cardboard tube mula sa loob ng photocopier.

“…He used firecrackers. Tignan mo: ganito yung mga nakakalat sa kalsada after New Year, oh.”

Nilagay niya ang karton sa isang zip-lock bag. “Right now, this is technically just vandalism. Loud, but not super-destructive.”

“Tell that to Mr. Adriatico here,” turo ni Tim sa basag na picture frame ng isang mapayat na lalaki sa Hall of Editors. “Kung totoong mukha ‘to, malamang plastic surgery abot nito…”

Nag-glare si Trisha, at nanliit siya. “Sorry.”

Tumayo si Tim. Tinignan niya ang nagkalat na piyesa ng copier sa paligid ng kuwarto, at pinulot ang isang charred na door cover.

“Hm. Sobrang makalat sa Press Office, pero ‘di dahil sa paputok, kundi sa photocopier. Firecracker goes boom, pieces go fly.”

Lumingon siya. “Trish, he just turned a piece of school equipment into a low-level shrapnel bomb. That was his plan...I think.”

At nang sandaling iyon, nag-vibrate ang phone na binigay ng Blackmail King. Vmmmm. Vmmmm.

Nilabas ni Tim ang phone niya para i-record ang tawag. “I-speakerphone mo, Trish.” Nag-nod si Trisha, at nilapag ang phone sa isang desk.

“Hello?”

May narinig sila mula sa kabilang linya: ang tunog ng isang taong mabagal na pumapalakpak. Clap. Clap. Clap.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now