Chapter 13 - Buking

4.1K 236 14
                                    

"Huwag na huwag kang magpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Na-akyat-bahay kami nung sabado ng madaling-araw. Mabuti na lang at nagising kami kaya walang nakuha. Kaya 'wag kang masyadong nagtitiwala sa mga nakikilala mo d'yan sa labas. 'Di natin alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino ang hindi," mahabang bilin ko kay Imelda bago ako umalis ng bahay. Nauna nang pumasok si Rob. Ako naman ay papaalis pa lang pero kailangan ko munang pagbilinan si Imelda para 'di na maulit pa ang nangyari.

"E, boss wala naman akong pinapapasok dito. 'Yung kakilala kong si Rico, hindi naman pumapasok sa loob. D'yan lang naman kami nag-uusap sa labas. At saka mabait naman 'yun. 'Di rin siya nagtatagal dito. Saglit lang tapos umaalis siya kaagad," may bahid ng konting pagsisinungaling ang sagot ni Imelda. "Hayaan mo, boss babantayan kong mabuti itong bahay. Walang masasamang loob na makakapasok dito."

"O, siya sige ikaw na ang bahala rito. Si baby Gab 'wag mong pababayaan. Lagi mong titingnan kung basa na ang diaper niya. At 'wag mong gugutumin pero 'wag din namang sobrang padededein."

"Areglado, boss. Huwag kang mag-alala, aalagaan kong mabuti si baby."

"Eto nga pala ang suweldo mo para sa nakaraang dalawang linggo mo rito," iniabot ko sa kanya ang dalawang libong piso. "Dalawang libo na lang kulang ko sa'yo dahil dun sa isang libo na binale mo."

Tinanggap ni Imelda ang pera. "Akala ko po pag nakaisang buwan na at saka ako susweldo?"

"Buwanan ba ang gusto mo? Puwede rin naman."

"Hindi. Okay 'yung ganito, boss. At least, hindi ako magigipit sa pera kasi susuweldo ako kada dalawang linggo. Salamat."

"Sige, papasok na ako. Magluto ka na lng ng pananghalian mo. 'Pag may emergency, mag-text ka agad para matawagan kita." Lumabas na ako ng bahay at agad na sumakay ng tricycle.

Nasa biyahe na ako ay 'di pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Paano kung bumalik 'yung nagtangkang magnakaw kay baby Gab ngayong wala kami ni Rob sa bahay at si Imelda lang ang naroon? Mapoprotektahan ba ni Imelda si baby Gab? Sa liit na 'yun ni Imelda ay kayang-kaya siyang ibalibag ng kung sino mang kawatan na iyon. At paniguradong makukuha nito si baby Gab nang walang kahirap-hirap. Pero pwede namang tumili si Imelda. Pwede siyang sumigaw at humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Ah basta, nangako naman si Imelda na di niya pababayaan si baby Gab. Siguro naman ay sapat na iyon para makampante ako.

IMELDA'S POV

Gaya ng dati, naiwan na naman kami ni baby Gab dito sa bahay. Maghapon na namang kaming dalawa lang ang naririto sa bahay. Ang totoo, hindi sana ako pupunta rito ngayon. May sakit kasi ang anak ko. Nilalagnat. Mahirap pala talaga 'yung ganitong sitwasyon. 'Yung nag-aalaga ako ng ibang bata tapos 'yung sarili kong anak na may sakit pa, hindi ko maalagaan. Buti na lang andoon ang biyenan ko. Siya na muna ang bahala sa anak ko. Babawi na lang ako mamaya pag-uwi ko. Mabuti na lang din at pinasuweldo ako ni boss Paulo kanina. Tamang-tama, mabibili ko ng gamot at vitamins ang anak ko. Ang hirap kasi ng maging mahirap. Gaano ko man kagustong ibigay ang mga pangangailangan ng anak ko, hindi ko magawa. Wala kasi akong kakayahang ibigay ang lahat sa kanya.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may biglang kumatok sa pinto. Agad akong lumabas ng silid at pinagbuksan ang kumakatok.

"Magandang umaga!" masiglang bati ni Rico.

"O, napadalaw ka? Ano'ng atin?"

"Wala naman. Na-miss lang kita. 'Di ba pwedeng ma-miss kita?"

"Buang!"

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Ha? Naku, bilin ng amo ko 'wag akong magpapapasok ng kahit sino. May nagtangka kasing magnakaw sa kanila noong madaling araw ng sabado."

Two Daddies (Completed)Where stories live. Discover now