Chapter 33 - God, Save the Baby!

3.4K 180 18
                                    

ROB'S POV

"ANONG gagawin natin," tanong sa akin ni Pau. Ang hitsura niya'y tila nawawalan na ng pag-asa. "Wala akong isandaang libong piso. The last time I checked fifty-five thousand lang ang savings ko."

"Kailangan ba talaga nating ibigay ang hinihingi niya? Hindi ba dapat, i-report natin siya sa pulis para mahuli siya at mapagbayaran niya ang ginawa niyang pagkidnap kay Baby Gab?" Inilabas ko ang hindi pagsang-ayon sa gustong mangyari ni Pau.

"Rob, papatayin niya si Baby Gab pag nalaman ito ng mga pulis. Nagbanta siya, Rob at siguradong gagawin niya 'yon 'pag nalaman niyang mapapahamak siya. Kilala ko si Rico. Hahanap at hahanap iyan ng damay."

"Pero parang tayo pa ang kumukunsinti sa katarantaduhan niya kung susunod tayo sa gusto niya. Krimen ang ginawa niya. 'Pag naligtasan niya ito, uulit at uulit pa siya. Naiintindihan mo ba ako, Pau?"

"Oo, naiintindihan kita. Pero paano si Baby Gab? Ayokong itaya ang buhay niya. Isandaang libong piso lang 'yon, Rob. Pera lang. Kikitain pa natin 'yon. Pero kapag si Baby Gab ang nawala, di na siya maibabalik sa atin. Naiintindihan mo rin ba ako?"

Hindi ako nakasagot. Mas tamang sabihing hindi ako sumagot. Alam kong nasa panganib ang buhay ni Baby Gab. Pero mas maraming buhay pa ang malalagay sa peligro habang malayang pakalat-kalat sa paligid si Rico.

Muling nagsalita si Pau. "Sabi mo, nalaman mong hindi si Rico ang totoong ama ni Baby Gab. Kung ganoon, sino ang totoo niyang magulang?"

"Iyong dating office mate ko, si Shiela. 'yong kamamatay lang."

"Siya ba 'yong kinuwento mo dati sa akin na sabi mo'y may gusto sa'yo?"

"Oo..."

"Bakit niya iniwan dito ang bata?"

"Dahil alam niyang mamamatay na siya at hindi niya alam kung sinong mag-aalaga sa anak niya 'pag nawala na siya."

"Paano mo nalaman na siya nga ang ina?"

"May iniwan siyang sulat para sa akin at mga litrato ni Baby Gab kasama rin ang birth certificate at baptismal." Kinuha ko ang bag ko at mula roon ay dinukot ko ang envelope na binigay ni Tita Minda. "Eto o, basahin mo."

Binasa ni Pau ang sulat, pati birth certificate. Inisa-isa rin niyang tingnan ang mga larawan. "Oo nga, si Baby Gab nga ito!"

Tumango ako. "Walang duda."

Tumitig sa akin si Pau bago muling nagsalita. "Rob, sa'yo hinabilin ni Shiela si Baby Gab. Ikaw ang nakalagay na ama ni Baby Gab dito sa birth certificate. Matitiis mo bang mapahamak ang anak mo? Kung ayaw mong maglabas ng pera, pautangin mo na lang ako ng forty-five thousand pesos. Ako na ang magbibigay ng ransom money mailigtas ko lang si Baby Gab. Huwag kang mag-alala, babayaran kita."

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga. "Huwag mo nang problemahin 'yon. Pumapayag na ako. Paghatian na lang natin 'yong perang hinihingi ni Rico."

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Pau. "Salamat, Rob. Maraming salamat... Di mo lang alam kung gaano ko kamahal ang batang 'yon. Mas mahal ko pa siya kaysa sa buhay ko. Gagawin ko lahat mailigtas ko lang siya kay Rico. Gusto ko kasi siyang alagaan. Gusto ko siyang proteksyunan. Gusto kong makita ang kanyang paglaki. Gusto kong ipadama sa kanya na kahit hindi ako ang tunay niyang magulang, tunay naman ang pagmamahal ko sa kanya." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ni Pau.

Niyakap ko si Pau. Napakasuwerte ni Baby Gab. Napakalaki ng puso ni Pau at masuwerte rin ako dahil alam kong mahal din ako ng taong ito. "Tahan na, huwag ka nang umiyak. Malalampasan din natin ito." Hinagod ko ang likod ni Pau.

Two Daddies (Completed)Where stories live. Discover now