Chapter 9 - Bantay Salakay

4.2K 250 13
  • Αφιερωμένο στον/ην kathtagle
                                    

ROB'S POV

MAAGA akong nakauwi nang gabing iyon. Wala pa nga si Paulo pagdating ko ng bahay. Naabutan ko si Imelda na pinatutulog si Baby Gab. Karga niya ito at isinasayaw para makatulog kaagad. Pasado alas-sais na no'n ng gabi. Mukha namang responsable ang yaya ng baby namin ni Paulo. In fact, hinintay niya talagang makatulog muna ito bago siya nagpaalam sa akin na uuwi na siya.

"Boss, uuwi na ako. Gumagabi na, eh. Malayo pa ang sa amin," sabi nito.

"O, sige. Agahan mo ulit bukas, ha. Teka, kumusta naman si Baby Gab?"

"Maayos naman, boss. Hindi naman siya iyakin. Kaya 'di mahirap alagaan."

"Eh, kumusta ka naman dito? Ayaw mo ba talagang mag-stay in na lang para 'di ka na nahihirapan sa biyahe araw-araw?"

"Hindi na, boss. Okay na ako sa uwian," sabi ni Imelda. "Ayos lang din naman ako dito. May naging kaibigan nga ako kanina."

"Kaibigan?" Puno ng curiosity ang tanong ko.

"May nakipagkilalang lalaki sa akin kanina diyan sa tapat. May pinuntahan daw siya sa gawi roon. Pauwi na siya sa kabilang barangay no'ng napadaan dito. Nakita ako, ayun nagpakilala."

Napangiti ako. Hindi ko alam kung single ba itong si Imelda pero mukhang kinikilig sa bago niyang kakilala. "Anong pangalan? Anong sabi sa'yo?"

"Rico daw. Nagpapaalam kung puwede raw siyang pumunta dito paminsan-minsan."

"Ah, hindi puwede 'yan. Bawal kang makipagligawan sa oras ng trabaho."

"Hindi naman ako makikipagligawan, boss. May asawa na ako," depensa nito sa akin. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Boss Paulo na may asawa na ako?"

Umiling ako. Wala namang nabanggit sa akin si Paulo tungkol sa civil status ng yaya ni Baby Gab.

"Basta, 'wag kayong mag-alala. Hindi naman ako makikipaglandian sa Ricong iyon. At hindi ko pababayaan si Baby Gabriel."

"Aasahan ko 'yan."

"Sige, boss aalis na ako."

"Mag-iingat ka sa daan."

Bitbit ang kanyang bag na lumisan si Imelda. Naiwan ako sa bahay kaya naman sinimulan ko nang maghanda ng hapunan.

Binuksan ko ang ref para kumuha ng isda. Kahapon ay bumili ako ng dalawang malaking bangus at pagkatapos linisan ay inilagay ko sa isang maayos na lalagyan at inilagay ko sa freezer.

Asan na? Bakit wala dito kahit isang pirasong isda? Hindi naman kami nag-ulam ng isda kagabi o kaninang umaga.

Baka naman niluto ni Imelda kaninang tanghali para sa pananghalian niya.

Pero imposibleng maubos niya sa isang kainan lang lahat ng isdang iyon? Nasaan na 'yon?

Dahil sa nawawalang isda, nilaga ko na lang ang natitirang karne ng baboy na nasa freezer. Mabuti na lang at may mga gulay pang pansahog dito sa ref. Hindi ko na kailangang lumabas para bumili.

Nagsaing na rin ako habang niluluto ang nilaga. Para halos magkasabay na itong maluto at makatipid ako sa oras. Kanina ko pa gustong humiga at makapagpahinga. Andaming trabaho kanina sa korte. Tatlong hearing din 'yon buong maghapon kaya pagod na pagod talaga ako. Ang hirap kayang maging court interpreter. Imagine, itra-translate ko sa english ang mga sagot na tagalog at itra-translate ko sa tagalog ang mga tanong na english and vice versa. Nosebleed kung sa nosebleed talaga.

Ilang sandali pa at naluto na ang nilagang baboy at sinaing. Wala pa rin si Paulo.

Noon biglang bumuhos ang ulan. Malakas!

Two Daddies (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα