Chapter 31 - Kidnapped

3.5K 184 13
                                    

PAU'S POV

MABUTI na lang at maagang dumating si Imelda sa bahay kaya naman maaga rin akong nakaalis para pumasok sa trabaho. Dumadami na ang absences ko. Good thing napaka-understanding ng boss ko. Alam naman kasi niya kung paano ako magtrabaho at hindi naman din ako uma-absent kung hindi rin lang kailangang-kailangan.

"Welcome back, Pau," bati ng isang katrabaho ko pagdating ko sa opisina.

"Thank you. Good morning sa'yo," tuloy-tuloy lang ako kung nasaan ang table ko. Nakaka-miss din magtrabaho. Sigurado, magiging busy ako ngayon. Kailangang matapos ko agad ang natenggang trabaho para next week back to normal na ulit dito sa office.

Nag-ring ang cellphone ko at agad kong sinagot ang tawag. Si Rob.

"Hello, Rob! Bakit ka napatawag?"

"Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Si Baby Gab, asan?" sunod-sunod ang tanong ni Rob.

"Nasa office ako. Bakit ano bang nangyari? Parang natataranta ka."

"Sinong nagbabantay kay Baby Gab?"

"Si Imelda. Pinabalik ko siya sa bahay para may mag-alaga kay Baby Gab. Bakit ka ba natataranta? Ano ba'ng nangyari?"

"Tawagan mo agad si Imelda. Sabihin mo sa kanya na huwag papapasukin si Rico kung sakaling dadating ang hayup na iyon. Nagpapanggap lang siya. Hindi siya ang totoong ama ni Baby Gab!"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Mahabang kuwento. Saka ko na ipaliliwanag sa'yo. Basta kailangang masabihan agad si Imelda para di na makapasok sa bahay si Rico. May kutob akong may masama siyang balak kaya siya nagpanggap na tatay ni Baby Gab."

Nakaramdam na rin ako ng kaba. Hindi matataranta si Rob ng gano'n na lang kung wala itong pinanghahawakang matibay na dahilan.

"Basta tawagan mo na agad si Imelda," giit ni Rob. "Tatawag na lang ako ulit sa'yo."

IMELDA'S POV

KATATAPOS ko lang maghugas ng mga plato. Si Baby Gab ay nasa crib niya, dumedede. Papunta na sana ako sa kuwarto nang makarinig ako ng mga katok.

"Sino kaya 'yon?" bulong ko sa sarili. "May inaasahan bang bisita si Boss Pau? Sigurado namang hindi ako ang pakay ng kung sino mang kumakatok na 'yan."

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko iyon.

"Ano'ng ginagawa mo rito!?" halos magkasabay naming tanong. Kung anong pagkagulat ko nang makita ko si Rico ay katulad din ng pagkagulat ni Rico nang nakita niya ako. Anong ginagawa ni Rico dito? 'Di naman niya alam na nandito na ulit ako.

"Bakit ka nandito? Asan si Paulo?" tanong sa akin ni Rico.

"Nasa trabaho. Kilala mo si Boss Paulo?"

"Asan ang bata? Kukunin ko na ang anak ko!"

Bigla ang pagrehistro sa utak ko ng sinabi ni Boss Paulo kagabi na 'yong bag sa silid ay pag-aari ng tunay na ama ni Baby Gab.

"Anak mo si Baby Gab?"

"Oo. Kaya ilabas mo ang bata dahil iuuwi ko na siya."

"Hindi ako naniniwala. Ilang araw rin tayong nagkausap noon pero kahit minsan wala kang binanggit na anak mo si Baby Gab. Tapos ngayon anak mo na siya? Sinong niloloko mo?"

"E 'di tanungin mo ang amo mo para maniwala ka. Basta kukunin ko na ang bata sa ayaw at sa gusto mo!"

"Hindi puwede! Sira ulo ka ba? Kung gusto mo siyang kunin, bumalik ka mamaya. Hintayin mong dumating ang amo ko. Sa akin ipinagkatiwala ang bata kaya hindi mo siya puwedeng kunin nang hindi nalalaman ni boss Pau," pagmamatigas ko sa gustong mangyari ni Rico.

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon