Chapter 20 - Tease

3.4K 209 17
                                    

"MALIGO KANG MAG-ISA MO!" pambabara ko kay Rico. Anong problema nito at kailangan pang yayain akong maligo? Obvious naman that he is just teasing me. Pati paghawak-hawak niya sa harapan niya, akala yata niya maaakit ako sa kanya 'pag ginawa niya ang ganun.

Pero aaminin ko na ang laki ng improvement ng katawan niya mula dun sa totoy na totoy na nakarelasyon ko noon sa hunky yummy guy na kaharap ko ngayon.

"Sigurado ka, ayaw mong sumabay maligo?"

Pinagsalubungan ko siya ng kilay at tinalikuran. Pumasok ako sa kuwarto at nagkulong. Hindi yata kakayanin ng powers ko na makipagharutan sa kanya buong maghapon dito. Kailangang makahanap na si Rob ng yaya para kay baby Gab. Mahirap na andito ako sa bahay tapos nandito rin ang kumag na si Rico.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakaidlip ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang pag-iyak ni baby Gab.

"Naku, gutom na ba ang baby ko?" Sinilip ko si baby Gab na nakahiga sa crib. "Teka lang baby, ha. Magtitimpla lang ako ng gatas mo." At nagmamadali akong lumabas ng silid at pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas ng baby ko.

Pabalik na ako sa kuwarto nang mapansin kong bukas ang silid ni Rico. Pagsilip ko, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita!

Si Rico, natutulog. At hubad!

Hubo't-hubad ang loko at 'di man lang nag-abalang isara ang pinto ng kuwarto! Anong feeling ng gagong ito, solo niya ang bahay?

Papasok sana ako sa silid para gisingin si Rico at sitahin pero naalala ko ang hawak kong bote ng gatas, sumabay pang narinig ko ang iyak ni baby Gab kaya agad akong bumalik sa aming silid at pinadede ko ang baby.

Kawawa naman si baby Gab, gutom na gutom nga. Agad itong tumahan nang malasahan ang gatas sa bote. Tila hindi kumain nang isang linggo ang baby. Agad na naging abala ito sa pagdede at kinalimutan na ang pag-iyak.

Pero hindi ko pa nalilimutan ang balahurang si Rico. Hindi puwedeng ipinangangalandakan niya sa bahay na ito ang hubad niyang katawan. Buti na lang at wala si Rob. Eh, kung nandito, paano na? Baka biglang magka-world war three! Si Rob pa naman 'yung tipo na ayaw nang nababastos siya.

Binalikan ko si Rico sa kanyang silid at ginising. "Rico! Gumising ka nga!" Inuga-uga ko siya sa balikat.

Nagmulat ng mata si Rico. "Bakit ba? Natutulog ang tao, eh."

"Natutulog? Natutulog nang nakatiwangwang ang hubad mong katawan?"

"Anong masama? Eh, mas kumportable akong matulog nang nakahubad." Bumangon si Rico at umupo sa gilid ng kama.

"Oo nga, walang masama. Pero sana marunong kang magsara ng pinto... at mag-lock!"

"Pare-pareho naman tayong mga lalaki rito. Ano'ng masama kung makita n'yo akong nakahubad?" Tumayo si Rico at muling nalantad ang kanyang kahubaran.

"Mahalay!"

Napabunghalit ng tawa si Rico. "Anong mahalay dun? Wala naman, ah. Tingnan mo ako. Anong mahalay sa katawan ko? Meron ba? Parang wala naman. Maliban na lang kung may pagnanasa ka pa sa akin."

"Ang kapal mo, ha?!" Gustong-gusto kong tirisin si Rico. Ako nga ang nakipag-break sa kanya. Ako pa ang may pagnanasa? Yuck!!!

"Ba't 'di mo na lang aminin na natatakam ka sa katawan ko? Pwede mo namang isara na lang ang pinto, pero pumasok ka pa talaga rito at ginising ako para lang sabihin na magsara ako ng pinto. Sabagay, mas maganda nga naman ang view sa malapitan. Kitang-kita ang gustong tingnan," sabi ni Rico sabay ang nakakalokong ngiti.

"Isipin mo ang gusto mong isipin, basta matuto kang magsara at mag-lock ng pinto hubad ka man o hindi! Tapos ang usapan!" Hindi ko na hinintay na makasagot si Rico. Iniwan ko siyang nakaburles pa rin.

"Isara mo ang pinto!" sigaw ni Rico.

Pabalibag kong isinara ang pinto. Unang araw pa lang. Unang araw pa lang pero nakikita ko na ang gulong pwedeng dalhin ni Rico sa tahimik naming buhay ni Rob. Ayokong isipin kung saan hahantong ang pagtira ni Rico sa bahay na ito.

May narinig akong katok mula sa pinto ng aming silid. Lumapit ako at binuksan ang pinto. Laking gulat ko nang makita si Rico. Hubo't-hubad pa rin.

"Magluto ka na. Nagugutom na ako."

"Sana naman matuto kang magbihis bago ka lumabas ng silid mo! 'Wag kang pakalat-kalat dito sa bahay nang wala kang suot. Nakakahiya! Baka makita ka ng kapitbahay."

"Wala akong pakialam sa kanila."

"Bumalik ka na nga sa kuwarto mo. Magdamit ka!"

"Magluto ka na, gutom na ako," sabay talikod ni Rico at pumasok sa kuwarto niya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang matambok na puwet ni Rico. Kahit laki sa hirap ang mokong na ito, napakaganda at napakakinis ng puwet nito. Hindi gaya ng ibang maraming mantsa ng peklat o 'yung parang stretch marks. Si Rico 'yung tipo na hindi na kakailanganin ang serbisyo ng mga dermatologist para pagandahin at pakinisin ang kanyang puwet.

Ipinilig-pilig ko ang aking ulo para mabura ang iniisip ko. As if naman mabubura talaga. Bakit ba kasi puro puwet ni Rico ang napagdiskitahan ko? Puwede namang 'yung ibang parte. Chos!

Tahimik naman si baby Gab kaya puwede na akong magluto. Nagsaing ako habang inihahanda ko ang lulutuing ulam. May nakita akong chicken meat, sayote at dahon ng sili sa ref kaya naisipan kong magluto ng tinola. Mabilis lang 'yun lutuin, hindi pa matrabaho.

Malapit nang maluto ang tinola nang lumabas muli ng silid si Rico. Naka-brief lang ito ngayon. Mahalay pa rin pero at least, nag-brief. Kesa naman kanina na kitang-kita ang kaluluwa niya, itsura ng jingle bells!

"Ang bango ng niluluto mo, ah. Mukhang masarap."

Hindi ako sumagot. Kunwari'y busy ako sa pagluluto.

Lumapit si Rico sa tabi ko at sumilip pa sa nakasalang na kaserola. "Wow, luto na! Mapaparami ang kain ko nito."

Dedma pa rin ako.

Pumunta si Rico sa gawing likuran ko at nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Dahil sa pagyakap niyang iyon ay lumapat ang harapan niyang bahagi sa aking likuran. Ramdam ko ang tila matigas na bagay na bumundol-bundol sa likod ko.

"Huwag ka ngang bastos!" saway ko kay Rico. "Kung gusto mong maging maayos ang samahan natin dito, lumagay ka sa tamang lugar. Makisama ka naman. Hindi puwedeng kami lang ang makikibagay sa'yo!" In-off ko ang stove. "O senyor, luto na 'yan. Kumain ka na!" At iniwan kong mag-isa si Rico sa kusina. Mas gugustuhin ko pa talagang magkulong sa kuwarto buong maghapon kesa paulit-ulit akong mainis sa mga kagaguhan ng lalaking iyon.

Haay, Rob! Mag-uwi ka na ng yaya rito. Makakalbo ako sa konsumisyon kay Rico.

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon