Chapter 7 - Bonding Time

4.9K 265 19
                                    

DAHIL Sabado kinabukasan at walang pasok ay nagplano akong lumabas at sinabi ko agad ito kay Rob. Tulog na si Baby Gab noon pagkatapos siyang mabusog sa gatas na tinimpla ko para sa kanya.

"Ipasyal natin si Baby Gab," sabi ko. Mas prefer kong iyon ang itawag kay baby kaysa buo niyang pangalan. Alam mo naman tayong mga pinoy, lahat na lang may nickname.

"Saan naman?" tanong ni Rob, mukhang hindi siya agree sa idea.

"Sa mall. Mag-grocery lang tayo tapos isama natin siya."

"Ang liit-liit pa niya. Hindi naman niya maa-appreciate 'yon," pangangatwiran ni Rob.

"Sabagay," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. "Pero puwede rin naman natin siyang ilabas para hindi naman puro dingding nitong bahay ang nakikita niya."

"Pau, puwede naman nating gawin 'yan 'pag medyo malaki na si Baby Gab. Sa ngayon, okay na iyong nandito siya at inaalagaan natin."

Ewan ko kung excited lang talaga ako sa bago kong role bilang daddy ni Baby Gab. Pero naiintindihan ko naman ang pinupunto ni Rob.

"Huwag ka nang magtampo. Puwede namang mag-bonding tayong tatlo kahit nandito lang tayo sa bahay. Isipin mo, weekends lang ang araw para mas maalagaan natin si Baby Gab. Kaya wala namang problema kung andito lang tayo sa bahay buong maghapon."

Hindi na ako nakipag-argumento. May punto naman talaga ang mokong na ito.

"Baka isipin mo na naman na wala akong concern sa baby," biglang sabi ni Rob.

"Hindi naman," sagot ko.

"Mas convenient lang kasi na andito tayo sa bahay kaysa dalhin natin sa labas ang baby."

Tumango na lang ako tanda ng pagsang-ayon.

KINABUKASAN ay nagulat ako na wala si Rob sa tabi ko paggising ko. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko siyang nasa kusina at abala sa pagluluto ng almusal.

Iyon ang mas nakapagpagulat sa akin. Mula nang magsama kami ni Rob, hindi pa siya nagluto kahit kailan. Ngayon lang.

"O, gising ka na pala. Good morning!" bati ni Rob sa akin.

"Ba't ang aga mong nagising?"

"Sinadya ko talagang bumangon nang maaga para ako naman ang mag-prepare ng almusal natin."

"Eh, bakit nga? Sawa ka na ba sa luto ko?"

Ngumiti si Rob at nakita ko na naman ang kaguwapuhang taglay niya lalo na kung siya'y nakangiti. "Hindi, ah! Gusto ko lang na pagsilbihan ka ngayon. You've been always there para asikasuhin ako, alagaan ako. This is my own little way to show that I appreciate all your efforts."

Parang hinaplos ang puso ko. Ba't biglang ang sweet-sweet ng lokong ito?

"Pasensya ka na, ha? Hindi ko man madalas maipakita, pero I'm really thankful and blessed na kasama kita."

Cheesy man ang eksena namin so early in the morning ay wala akong pakialam. Basta sobrang saya kong malaman na appreciated naman pala ni Rob ang mga ginagawa ko para sa kanya.

NANG matapos magluto ay kumain na kami ni Rob. Tulog pa rin si Baby Gab. Mamaya paggising niya, siguradong maghahanap agad iyon ng dede.

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa silid at naabutan naming gising na pala ang munting anghel. Akala lang namin na natutulog pa siya, pero ayun at tahimik lang pala siyang nakahiga sa kama. Napakabait na baby.

Tiningnan ko kung basa ang diapers niya at hindi ako nagkamali kaya agad akong kumuha ng pamalit upang 'di mangati at ma-irritate ang balat ni baby. Pagkatapos ay tila nakakaintinding kinausap ko siya.

Two Daddies (Completed)Where stories live. Discover now