Chapter 28 - Ang Katotohanan

3.4K 187 16
                                    

PAKIRAMDAM ko ay pinagpapawisan ako ng malamig. Totoo ang sinabi ko na hindi ako takot kay Rico.  Kung mano-mano lang na labanan,  kahit paano naman siguro ay makakalaban ako.  Pero 'pag ganitong nakatutok na sa noo mo ang baril,  mawawala lahat ng tapang mo.

"Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Rico.  Hindi pa rin nawawala ang panlilisik ng mga mata nito.

Gusto kong sumagot ng pabalang. Gusto ko siyang supalpalin at ipamukha sa kanya na hindi lahat ng tao ay kaya niyang pasunurin.  Pero iniisip kong wala ako sa posisyon ngayon para magtapang-tapangan pa.

"Ano?!  Sumagot ka!"

Saka ko na-realize na hindi ko talaga kayang magpagago sa hayup na ito.

"Patayin mo na lang ako kesa sumunod ako sa lahat ng gusto mo..." Hinihintay kong ipukpok niya sa mukha ko ang baril na hawak niya. Or worst,  iputok niya iyon sa noo ko.  Pero tingin ko hindi iyon gagawin ni Rico.  Siguradong may makakarinig ng putok oras na gamitin niya ang baril.

Nakita kong ngumisi si Rico.  Iyong ngising nakakainis.  Ngising-aso.  Ngising-tarantado!

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," pagkuwa'y sinabi nito.  "Ikaw pa rin 'yung Paulo na mayabang at matigas ang ulo na nakilala ko."

"Buti alam mo! At hinding-hindi mo ako mapapasunod kahit ano pa ang gawin mo.  Hindi mo ako matatakot ng baril mo.  Iputok mo 'yan,  tingnan natin kung ilang taon ang bubunuin mo sa kulungan!" Pinilit kong maging reyalistiko ang pagdedeliver ko ng dialogue.  Hindi niya dapat mahalata na natatakot ako at nire-reverse psychology ko lang siya.  Sabagay,  ano ba ang alam ng gagong ito sa reverse psychology? Droga lang naman ang laman ng utak nito.

"Kung hindi pwede ang putok,  ito puwede!" At biglang hinampas ni Rico ang ulo ko gamit ang baril na hawak niya.  Naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa ulo ko.  Biglang nagdilim ang mundo ko at wala na akong namalayan sa mga sumunod na nangyari.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay.  Pagmulat ng mata ko ay nakita kong nakahiga ako sa sahig at nagdurugo ang ulo ko. Naalala kong hinampas ako ni Rico sa ulo gamit ang baril niya.  Agad akong bumangon para kumuha ng damit o kahit anong telang magpapaampat sa pagdurugo ng ulo ko.  Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay,  sumakay ng tricycle at agad nagpahatid sa klinika ng barangay para magamot ang sugat ko.

Buti na lang at maliit lang ang sugat na tinamo ko sa ulo kaya napahinto agad ang pagdurugo. Hindi na rin kinailangang tahiin ang sugat. Ginamot na lang ito at tinakpan ng gasa para hindi maimpeksyon.

Anong oras na ba?  Bigla kong naalala na kailangan ko nang bumalik sa ospital. Siguradong niinip na dun si Rob.

ROB'S POV

Pagkaalis ni Pau ay hindi ko na napigilan ang antok ko at nakatulog na rin ako. Ginawa kong higaan ang sofa na naroon sa silid.  Nagising lang ako nang pumasok ang isang nurse para i-check ang temperature ni baby Gab.

"Nurse,  kumusta si baby?"

"Normal na po ang temperature niya,  sir. 'Pag nagtuloy-tuloy na ito hanggang mamaya,  baka puwede na siyang i-discharge bukas. Ipapaalam ko kay doc ang progress ni baby."

"Salamat..."

"Sige,  sir.  Babalik na lang po ako mamaya."

Tinanguan ko ang nurse.

"Asan na kaya si Pau.  Ba't wala pa siya," tanong ng isip ko.

Sinubukan kong tawagan si Pau.  Hindi nagri-ring ang cellphone niya. Baka lowbatt.  Nag-text ako sa kanya.

Two Daddies (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin