Chapter 30 - Ang Liham Ni Shiela

3.6K 205 18
                                    

PAU'S POV

HINDI ko na namalayan na nag-text sa akin si Imelda.  Nakatulugan ko na kasi ang paghihintay sa text niya.  Nagising ako nung pumasok ang nurse sa room para kunin ang temperature ni baby Gab. Madaling-araw na iyon,  mag-aalas tres ng madaling araw.

"Tuloy na ang paglabas n'yo mamaya,  sir.  Okay na okay na si baby," masayang sabi ng nurse.

"Salamat." Isang sinserong ngiti ang ibinigay ko sa nurse.

"Ipapaayos ko po kaagad ang papers n'yo para makalabas kayo bago mag-alas-onse.  Para 'di na kayo ma-charge for additional day sa room."

"Sige..."

"Kapag may kailangan po kayo,  andun lang kami sa nurse station." Lumabas na ng silid ang nurse.

Kinuha ko ang celfone ko at noon ko nakita na may dalawang unread messages ako.

Binasa ko 'yung unang message,  galing kay Imelda.

     Boss,  pumayag ang asawa ko.  Anong oras ako pupunta sa inyo?

Natuwa ako.  Solve na ang problema ko sa yaya.  Nag-reply ako kay Imelda.

     Punta ka sa bahay,  ala-una ng hapon. Before twelve siguro kami makakalabas ng ospital.

Sunod kong binasa ang text na galing naman kay Rob.

     Sorry,  hindi na ako makakapunta diyan later.  Makikipaglibing kasi kami sa namatay na dating officemate.  Pero I'll try to drop by sa bahay pagkatapos. Pasensya na,  ha?

Napangiti ako. Alam kong masaya rin ang puso ko.  Dahil okay na kami ni Rob.  Ang pagpunta niya sa bahay ay magandang senyales na hindi mahirap para sa kanya na muling tumapak sa bahay na naging tirahan din niya ng maraming mga buwan.

Nagreply ako sa text ni Rob.

     Okay lang,  Rob.  Mag-iingat ka lagi. 

Pagkatapos nun ay pinilit kong muling makatulog upang gumising sa isang mas magandang umaga... Sana...

ROB'S POV

Marami rin ang pumunta sa libing ni Shiela.  Pati ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho ay piniling ihatid sa huling hantungan ang isang katrabaho at kaibigan. Malas lang talaga dahil si Tita Minda lang ang kaanak niyang naroon.  Pero ang mahalaga ay ang pakikiramay na ipinakita ng mga taong nakasamuha ni Shiela noong siya'y nabubuhay pa.

Pagkatapos ng libing ay isa-isa nang nagpaalam kay Tita Minda ang mga nakipaglibing.  Nagpaiwan pa sa sementeryo ang matanda upang sa huling sandali ay samahan pa ang kanyang namayapang pamangkin.  Ako naman ay nanatili na rin muna sa sementeryo.  Ayokong iwanang mag-isa dun ang tiyahin ni Shiela.

Maya-maya pa'y nagpasya na ring umuwi si Tita Minda.

"Huwag mo na akong ihatid sa bahay.  Kaya ko nang umuwi," masayang sabi ni Tita Minda sa akin.  "Hihintayin na lang kita bukas para sa sinasabi kong importanteng bagay na dapat nating pag-usapan. Sana makapunta ka."

"Opo,  darating po ako bukas. Hindi po ba puwedeng ngayon na lang?" biglang hirit ko.

"Bukas na lang.  Alam ko pagod at puyat ka rin.  Magpahinga ka na muna."

"Ah,  sige po.  Kayo ang bahala."

"Salamat,  Rob.  Mag-iingat ka sa pag-uwi."

"Kayo rin po,  tita.  Mag-iingat po kayo lagi."

Biglang tumunog ang cellphone ko.  May nagtext. Nang tingnan ko,  galing kay Pau.  Nakalabas na raw sila ng ospital at kararating lang nila sa bahay.

Two Daddies (Completed)Where stories live. Discover now