Chapter 21 - Ulan

3.4K 214 17
                                    

ROB'S POV

UMUULAN nang lumabas ako ng opisina pagkatapos ng trabaho. Mabuti na lamang at nakasakay agad ako ng jeep biyaheng SM. Balak ko kasing mag-grocery bago umuwi. Kabababa ko lang ng jeep nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Rob!"

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa akin. Laking gulat ko pa nang makilala ko ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

"Shiela? Ikaw nga ba 'yan?" Ang totoo, muntik ko na siyang hindi makilala. Ang laki ng ipinayat niya. Parang hindi siya iyong Shiela na naging katrabaho ko dati. 'Yung Shiela na pilit ipinapares sa akin ng mga kaopisina ko. 'Yung Shiela na napakagandang babae pero sa akin pa nagkagusto.

"Kumusta ka na?" Matipid ang ngiti ni Shiela pero ramdam ko ang sinseridad ng kanyang pangungumusta?

"Eto, kagagaling ko lang sa trabaho. Pauwi pa lang. Dadaan lang muna sana ako sa grocery para bumili ng mga kailangan sa bahay. Ikaw, kumusta ka?"

"Eto, okay naman. Pauwi na rin ako. May pinuntahan lang ako diyan," sagot ni Shiela sabay turo sa isang direksyon na hindi ko naman gaanong pinansin kung saan.

"Parang pumayat ka?" Sinabi ko na ang unang napansin ko sa kanya.

"Ahh, diet lang."

"Naku, mas maganda ka 'pag may laman. Kaya itigil mo na ang pagda-diet na 'yan." Totoo ang sinabi ko. Nung magkatrabaho pa kami, maraming nagkakagusto sa kanya. Mga empleyado sa ibang RTC branches. Pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Ang buong atensyon ni Shiela ay nakatuon lang sa trabaho... at sa akin.

Sayang nga lamang at hindi talaga babae ang gusto ko. Kaka-break ko nga lang no'n sa huling naging girlfriend ko, pero 'di ko na sinubukang mag-girlfriend ulit dahil nakilala ko na noon si Pau. Kaya nang minsang aminin sa akin ni Shiela na gusto niya ako, alam kong nasaktan ko siya nang aminin ko rin sa kanya nang harapan na bakla ako... na lalaki rin ang gusto ko. Umiyak si Shiela noon. Naawa ako sa kanya, pero hindi ko kayang turuan ang puso ko. Sayang nga at sa lalaki pa ako nagkagusto. Napakaganda at napakabuting babae ni Shiela. Napakasuwerte ng lalaking mapapangasawa niya.

"May asawa ka na ba?" biglang naitanong ko.

Napahalakhak nang mahina si Shiela. "Wala pa. Walang magkagusto, eh. Ikaw kasi, binasted mo ako."

Boom sapul!

Kung alam ko lang na tatalbog pabalik sa akin iyong naging tanong ko, hindi ko na lang sana itinanong.

"Sorry naman," tanging nasabi ko. "Alam mo naman kung bakit, 'di ba? At sa'yo ko lang inamin 'yun kasi napakalaki ng tiwala ko sa'yo."

"Wala na 'yun. Okay lang. Past is past. Kinalimutan ko na 'yun."

"Dalaw ka naman sa office minsan. Nami-miss ka na ng mga kasamahan natin. Nung birthday nga ni judge, naisip namin na mas masaya kung andoon ka rin."

Hindi sumagot si Shiela pero nakita ko sa mukha niya ang isang mapait na ngiti. Pero 'di na ako nagkalakas ng loob na magtanong pa.

"O paano, Rob? Sasakay na ako. Ikumusta mo na lang ako sa kanilang lahat."

Tumango ako at ngumiti. "Ingat ka..."

Kumaway si Shiela at tumalikod na sa akin. Tinanaw ko pa siya hanggang makarating siya sa bus stop at nakita kong sumakay siya sa unang bus na dumaan.

Sayang, nakalimutan kong hingin ang number niya. Mula no'ng mag-resign siya, alam ko nagpalit na rin siya ng number dahil ilang beses din akong nag-attempt na tawagan siya para kumustahin pero nabigo ako.

Two Daddies (Completed)Where stories live. Discover now